Chapter 27

9.8K 358 5
                                    

* Zeke POV *

Alam na naming magaling si Kristel sa paglaban at paghawak ng baril. Dahil nakita na namin siya nong time na tinulongan niya kami. Pero yung ginawa niya ngayon-ngayon lang? Hindi ko akalain na ganun pala siya kahusay mag-asinta kahit na nasa malayo na yung eroplanong sinasakyan ng Foxes... Lalo ng ng magulat kaming may nahulog mula sa eroplanong yun.

Kakaiba siya sa mga babaeng nakilala ko. At sa palagay ko talagang kailangan ko pang kilalaning mabuti ang babaeng toh.


" Oh... Hi! Mabuti naman naisipan niyong dumating. " sarcastic nitong sabi.

Lumapit ako sa kanya at kinuha yung baril sa kamay niya na ibinigay niya naman sa akin. Pero itong babaeng toh, parang wala lang sa kanya yung ginawa niya. Talagang nakangiti pang nakatingin sa akin.. kahit na masama na yung tingin ko sa kanya.

" I told you, dont do tha- " hindi kuna natapos ang sasabihin ko ng siya na mismo ang humalik sa akin.

" Satisfied? " nakangiti nitong sa akin.

Paano ko ba hindi mamahalin ng babaeng toh.. sa simpleng galw niya lang napapangiti niya ako. At mukhang alam niya yata kung paano niya ako susuyuin.

" Tsk! "

Hinila ko na siya papaalis sa lugar na yun, at kasuod namin yung tatlo na mukhang hanggang ngayon hindi parin nakabawi sa pagkagulat nila. Halata parin kasi sa mukha nila na gulat na gulat sila sa ginawa ni Kristel kanina. At alam kung hindi nila inaasahan na makitang ganun si Kristel. Kahit naman ako.. dahil siya lang yung probinsyana na ganun kumilos.

Sa may mansyon kami dumiretso dahil wala akong balak na iuwi siya ngayong gabi sa bahay nila. Matapos ang nangyari sa kanya lalo na kanina, kailangan ko ng bantayan ang babaeng toh.. dahil baka ano na naman ang mangyari sa kanya. Lalo na at matigas pa ang ulo nito.

Tinawagan niya na rin yug Kuya Red niya na ligtas na siya. At alam kung pinagalitan siya dahil sa mga reaksyon ng mukha niya kanina habang nag-uusap sila nito.

" Talaga bang taga probinsya ka, KC? " tanong sa kanya ni Geo.

" Bakit mo naman natanong? " tanong din nito kay Geo.

Nandito kami sa salla lahat, wala pa kaming balak na mag-ayos ngayon. Dahil kailangan pa naming magpahinga lahat. Lalo na at marami kaming nakalaban kanina.

" Nakapagtataka lang kasi. Ibang-iba ang kilos mo kumpara sa mga ibang pronbinsya na nakakasalamuha namin... Kung umasta ka, daig mo pa kami. Lalo na yung ginawa mo kanina na talagang nakakagulat. " sabi nito sa kanya.

Umayos naman ng upo si Kristel, at saka sinagot si Geo.

" Sabi ko naman sa inyo diba? Probinsyana ako.. pero hindi ibig sabihin na probinsyana ako ay mahinhin na ako at mahina... Tandaan niyo, kaya-kaya ko kayong tapatan. " nakangiti nitong sabi.

Pero yung ngiti niya.. kakaiba. Kumpara sa mga ngiti na nakikita ko sa kanya noon. At hindi lang yun.. bakit pakiramdam ko may tinatago siya sa amin? At kung meron man.. ano yun?

" Sabihin mo nga sa akin, Kristel. Makakatakas ka parin ba kahit na wala ang tulong namin? Kahit na hindi kami dumating para iligtas ka? " seryusong tanong sa kanya ni Oscar.

Napatingin ako sa kanya nakatingin rin pala sa akin. Kasabay non ang pagsalita niya.

" Oo! Nong unang pagkuha palang nila sa akin.. planong ko ng tumakas non. Kahit na wala ang tulong niyo. "

" Talaga! Pero bakit hindi mo ginawa? " tanong naman sa akin ni Hanz.

" Tinatamaad ako eh. At isa pa, walang trill yun kapag tumakas ako. At kaya ko kayo hinintay.. dahil wala akong masakyan. " sabi nito sabay turo sa akin.

Napapailing nalang ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa kanya ng upo, saka niyakap siya.

" I miss you, Babe. " bulong ko sa kanya.

" Tsk! Umalis na nga tayo dito. Baka makaistorbo pa tayo sa pag-iibigan nilang dalawa. " rinug kung sabi ni Oscar.

" Uminom nga lang tayo. " sabi naman ni Hanz.

" Mabuti pa nga. " pagsang-ayon naman ni Geo.

At maya-maya naramadaman kuna nalang na umalis na silang tatlo sa harapan namin.

" May balak ka naman sigurong palinisin ako ng katawan noh? "

Napatawa nalang ako saka bumitaw sa kanya sabay buhat sa kanya papunta sa kwarto ko.

* Kristel POV *

Matapos yung nangyaring pagdakip sa akin.. ang pagtulong sa akin nina Sandoval na makatas ako. Although, hindi ko naman talaga kailangan ang tulong nila para makatakas don dahil kaya ko naman ako lang mag-isa. Hinintay ko lang kasi sila doon.. dahil alam niyong sobrang dilim sa lugar na yun at wala akong masakyan pabalik sa amin. Kaya kailangan ko talagang hintayin sina Sandoval na dumating para may sasakyan ako.

Yun nga.. matapos ang nangyari.. isa namang panibagong problema ang haharapin ko. Kailangan ko lang naman na umuwi sa amin dahil nagsisimula na namang nanggulo sina Bugard sa bayan namin.. kasama ang mga tarantadong kaibigan niya. At hindi lang yun, nasabi sa akin nina Nuel at Sam na may bintahang droga na nagaganap sa aming bayan. Kaya kailangan ko talagang umuwi sa amin, para maayos ang problema doon. At kapag malaman ko lang kung sino ang pakana ng bintahan ng droga sa bayan? At malaman ko lang din na may bumili at gumagamit ng droga doon sa amin. Talagang malilintikan sila sa akin lahat.

Ang gaganda at ang bubuti ng mga tao doon sa probinsya namin. Tapos dudumihan lang nila? Tang*na.. baka makapatay pa ako kapag nagkataon.

" Malapit na ba tayo sa inyo KC? "  agad kung tiningnan ng masama si Geo ng magsalita siya.

" O-oy! Easy.... Hindi naman kita inaano dyan. " sabi nito sa akin.

" Tumahimik ka kasi.. kung ayaw mong ihulog kita dyan. " inis kung sa kanya.

Pano ba naman kasi, kanina pa siya tanong ng tanong kung malapit na kami. Kaya sino ang hindi maiinis non.

Ayaw ko sana silang isama. Pero dahil mapilit si Sandoval at ang mga kaibigan niya. Wala akong magawa kundi isama sila. At kung alam ko lang sana na ganito kaireta si Geo. Edi sana, hindi ko nalang sila isinama.

" Masyadong mainit ang ulo mo KC. Matulog ka muna kaya. " sabi ni Oscar sa akin.

" Wow ha! Nahiya naman ako sa inyo... Bakit alam mo ba kung saan ang bayan namin? " inis kung tanong sa kanya.

" Baka nakalimutan mo na inimbestigahan ka namin noon. " sabi naman ni Hanz sa akin.

Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Nga pala, alam nila kung saan ako nakatira dahil sa kagustuhan nilang makuha ng inpormasyon tungkol sa akin. Kaya bakit ko nakalimutan ang bagay na yun.

Napatingin ako kay Sandoval ng hawakan niya ang kamay ko.

" Matulog ka muna.. para mabawasan yang init ng ulo mo. " sabi nito sa akin.

Hindi nalang ako nagsalita.. humiga nalang ako sa hita niya at ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko naman yung kamay niya sa ulo ko at dahang-dahang hinihimas ang buhok ko. At dahil sa ginawa niya, madali lang ako nakatulog.

Ang Probinsyanang PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon