Chapter 6

11.8K 440 3
                                    

* Zeke POV *

Umupo na kami sa may bench na medyo malapit sa kanila. Napatingin ako doon sa tatlong dayo na yun... Nakikita ko sa kanilang mga mukha na parang wala man lang itong pakialam sa magiging laro nila kina Hugo.  At talagang determinado silang matalo nila sina Hugo.

" Ang lakas din ng loob ng mga dayo na yan. Akalain mong sila pa ang humamon kina Hugo?  sabi ni Hanz.

" Ang sabibin mo.. talagang ang yayabang nila! Natatakot nga yung iba na makipaglaro kina, Hugo.
Pero silaSiguradong sa hospital ang bagsak nila pagkatapos ng laro. " sabi naman ni Geo.

Sang-ayon din ako sa mga sinabi nila. Siguradong sa hospital ang bagsak ng tatlong yun kapag pinagpatuloy pa nila ang laro. Nakalaban na namin sina Hugo,  dati. At masasabi kung mahirap silang kalaro. Basketball ang nilalaro namin,  pero sila talagang madaya maglaro. Dahil umaatake sila na siguradong masasaktan at makakapasa ang katawan mo. Sanay na kaming maging kalaro sina Hugo. At kami lang ang natatanging nakakaiwas sa mga galaw nila at nanalo sa kanila. 

Ang hindi ko lang alam, kung magagawa ba ng mga dayong ito na matalo sina Hugo? At hindi ko rin sila maintindihan kung ano ang pumasok sa kukote nila para hamunin ng ganun kadali sina Hugo.  Lalo nat mga dayo lang sila at hindi nila alam kung anong klaseng lugar ang pinuntahan nila.

At talagang masasabi ko na mayayabang sila.  Dahil sina Hugo ay todo practise sa pagshoot ng bola at pag-exercise ng katawan. Pero sila! Wala man lang ginawa kundi ang magkwentuhan at magtawanan lang!? Parang wala silang pakialam kung ano man ang mangyayari sa laro nila.

" Talaga bang galing sila sa Probinsya?  " nagtataka kung sabi.

" Yun nga din ang gusto kung tanonginDahil sa pagkakaalam ko.. ang mga probinsyana ay lumalayo sa gulo. Hindi sila yung tipo ng tao na lumalapit sa gulo. " sabi ni Hanz.

" Marami na akong nakaencounter na mga probinsyano. Pero sila pa lang yung naencounter ko na nagagawa pang tumawa sa gitna ng gulo!? " hindi makapaniwalang sabi ni Geo.

Agree ako sa mga sinabi nila.  Hindi sila ng tipo ng tao na sumasabak agad sila sa gulo.  Sila yung tipo ng tao na makikipag-ayos muna bago makipagbakbakan. Pero ito tatlong kaharap namin...parang sila pa yung mga probinsyano na gustong-gusto ng gulo. At talagang sila pa ang naghahanap ng gulo.

" Lets start!  " sigaw ni Oscar dahil sya yung magsisilbing taga score ng bawat grupo.

Nagsipuntahan naman sa gitna ang dalawang grupo.  Pero ang pinagtataka ko lang.. Apat sina Hugo at tatlong lang ang sa magkabilang team.  Napansin ko pang nag-uusap sina Oscar at yung nakabonet... At sa palagay ko ay nagtatalo silang dalawa. Tatayo na sana ako para alamin ang kanilang rules sa kanilang laro ng ihagis na ni Oscar ang bola sa taas at kasabay non ang pagtalon nina Hugo at yung nakabonet kanina.  At hindi na ako magtataka na kina Hugo ang bola ngayon. 

Ang Probinsyanang PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon