Chapter 37

8.7K 319 15
                                    

* Zeke POV *

Nasabi na sa amin ni Mr. Cruz na darating yung anak niya at may importante siyang sasabihin sa amin pagkarating ng anak niya. Pero hindi ko inaasahan na ang tinutukoy niyang anak ay si Kristel pala!

Si Kristel na akala namin ay malakas lang talaga ang loob nito at sadyang matapang lang ito.. na walang takot na humarap sa kung sino man ang kalaban niya. Pero ang lahat ng yun ay may pinagkuhanan pala.. dahil anak siya ni Mr. Cruz... Si Mr. Cruz na siyang boss namin at pinuno ng isang malaking oraganisyong pinapatakbo niya ngayon. Kaya talagang nagulat ako ng malaman kung anak nito si Kristel at magpinsan sila ni Emy. Lalo na yung apat na hanggang ngayon hindi parin nakabawi ang mga ito sa pagkagulat.

" Please sit down. " sabi ni Mr. Cruz sa amin na sinunod naman namin.

Umupo kaming lahat sa magkabilaang mesa habang siya ay nasa gitna at katabi nito si Kristel. Tahimik lang kaming nakatitig sa kanya at maraming tanong na pumapasok sa isip ko. Alam kung may anak si Mr. Cruz, kaya talagang nagulat ako ng malaman ko yun kanina. Pero ang hindi ko lang alam, bakit ngayon lang siya nagpakita? Bakit hindi niya sinabi sa akin kung sino ba talaga siya. Alam niya din bang mangyayari ang bagay na natoh? Ang pagpapakasal ko sa  pinsan niya?

Iniisip ko palang ang bagay na yun, hindi kuna mapigilan ang sarili kung makaramdam ng galit sa kanya. Dahil feeling ko, niloko niya ako. Pinagmukha niya akong tanga!

" Kaya ko kayo pinatago ngayon dahil may importante akong sasabihin sa inyong lahat. At ayaw ko naring magpaligoy--ligoy pa... Dahil simula ngayon, si Kristel Cane na ang bago niyong boss. " sabi nito sa amin.

Kunot noo naman akong napatingin sa kanya, saka napatingin kay Kristel na kanina pa tahimik.

" Wait! Boss, akala ko ba si Ms. Emy ang magiging boss na namin? Bakit biglang  yung anak niyo na yata. " sabi ni Hans sa kanya.

" Wala kabang tiwala sa akin, Mr. Hans? Gusto mo bang pakitaan kita kung paano ako pumatay ng mga kalaban.. lalo na sa mga taong kinoquestion ang kakayahan ko. "

Lahat kami napatigil at hindi makagalaw sa kinauupuan namin ng marinig naman ang napakalamig na boses na yun. Boses na ngayon palang naming narinig mula sa kanya... Siguradong maiihi ka sa takot kapag marinig mo ang boses na yun, at sigurado akong hindi mo gugustuhing marinig pa yun.

Nanatili akong nakatingin sa kanya at kita mo sa mga mukha niya ang pagiging seryuso niya. Ang pagiging maotoridad at nakakatakot niyang mukha na hindi ko pa nakikita sa kanya noon.

" Ehem! Ganito kasi yan Hanz. At makinig narin kayong tatlo sa sasabihin ko... Noon pa man si Kristel na talaga ang Boss dito at ang magiging boss niyo. Pumalit lang ako pasamantala sa pwesto niya.. dahil alam niyo nah... Matigas ang ulo ni Kristel at puro kalukuhan-Araay.... " biglang sigaw nito.

Tiningnan niya ng masama si Kristel na katabi niya. Dahil sa palagay ko.. inapakan nito ang paa niya.

" Ayusin mo yang pananalita mo. " seryuso nitong sabi sa kanya.

Kahit na nagbago ang kilos at pananalita niya. Hindi ko parin maiwasang mapangiti sa kanya. Because every single she moved, I found her cute. And I see, she is most beautiful woman in my eyes.

" Baka matunaw na yan sa kakatitig mo. "

Napaiwas ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Mr. Cruz. I know what he means. And I know, he know what I fell to his daughter.

" Wait! Kung noon pa si Kristel na ang Boss namin.. Ibig sabihin nyan siya din ang fiance ni Zeke? " tanong ni Oscar.

Napabalik-balik ang tingin namin kay Mr. Cruz at kay Emy dahil bigla itong tumahimik. Pero si Kristel ay nanatili itong nakaupo sa upuan niya at seryuso parin yung mga mukha niya.

" Kung ano ang nangyari kanina sa labas. Yun ang magiging desisyon ko. " seryusong sabi nito sa amin, saka tumingin kay Kristel.

" Sumunod ka sa akin sa office. " sabi nito dito saka lumabas ng kwarto.

Ilang sandali pa bago tumayo si Kristel sa upuan niya saka sumunod kay Mr. Cruz... Napapailing nalang ako ng makitang kung nakalagay ang dalawang kamay nito sa likuran ng ulo niya habang papalabas ng pinto. Hindi parin nawala sa kanya yung pagiging mayabang niya kung minsan.

* Kristel POV *

Agad akong napayakap kay Papa pagpasok ko palang sa office niya na sinalubong niya naman ako ng yakap.

" Papa... waaahhh... sobrang namimiss ko po talaga kayo! " naiiyak kung sabi sa kanya.

Naramdaman ko yung paghagod niya sa likod ko. Kasabay ang pagtawa nito.

" Tsk! Kanina ang tapang-tapang mo. Tapos ngayon, umiiyak ka sa harapan ko? "

Hinampas ko siya sa dibdib dahil sa sinabi nito.

" Nakakainis naman kayo eh! Hindi niyo ba alam kung gaano ka namin namiss ni Tintin? Ni hindi niyo man lang kami dinadalaw sa probinsyan. " nagtatampo kung sabi sa kanya.

Pinunasan muna nito ang luha ko sa mukha at inaya ako nitong umupo sa may couch na nasa loob ng opisina niya.

" Alam mo naman kung ano ang ginagawa ko.. kaya kung bakit hindi ako makakadalaw sa inyo doon diba? At isa pa, delikado sa Nanay at Tatay.. kapag dumalaw ako don. " sabi nito sa akin.

Nakasimangot lang akong nakatingin sa kanya. Alam ko namang mahalaga sa kanya ang pagmamalakad ng organisasyon na ito. Dahil hinuhuli nila yung mga sindikato na gumagawa ng mga kasamaan dito. At hanggang ngayon, hindi parin nila nahuhuli yung pinakapinuno nito. Na talagang ang dali namang hulihin ang taong yun.

" Pero dahil nandito kana... Pwede na akong umuwi sa atin para bantayan si bunso at tulongan sina Tatay doon. " sabi pa nito.

" Mabuti pa nga, Pa. Kaya umalis kana dahil namimiss kana ni Kristel. " inis kung sabi sa kanya.

Tinawanan lang ako nito, tapos maya-maya biglang nagseryuso ang mukha.

" Sabihin mo nga sa akin, Kristel. May relasyon ba kayo ni Sandoval na yun? "

Natigilan ako sa tanong sa akin ni Papa at muling bumalik yung sakit na nararamdaman ko kanina... Excited pa naman akong makita kung sino ang Fiance ni Emy para mabugbog ko ito dahil pinahiya niya yung pinsan ko. Pero ng malaman kung siya pala yung finace ng pinsan ko? Parang tinusok ng ilang libong karayum ang puso ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Akala ko kung ano na ang pinakaabalahan niya dahil lagi siyang wala. Pero tang ina lang! Itong arrange merriage pala nila!

Talaga bang wala akong halaga sa kanya para gawin niya sa akin toh? Napaniwala niya pa naman ako sa mga sinasabi niya sa akin nong isang araw. Yun pala, puro kasinungalingam lang pala.

Tang*nang pag-ibig toh oh!

" Kahit hindi ko sagutin ang tanong mo. Alam kung alam mo ang sagot dyan... At wala na akong magagawa dahil fiance siya ng pinsan ko. " sabi ko sa kanya.

Napatingin ako kay Papa ng ginulo niya yung buhok ko.

" Nagdadalaga kana talaga... Pero kung mahal ka ng lalakeng yun.. may magagawa siya para sayo. "

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Papa sa akin.

Mahal? Kailan pa kaya mangyayari yun? Nagawa niyang magsinungalung sa akin at nagawa ko ring magsinungaling sa kanya. Kaya ang tanong? Mamahalin din ba ako ng lalakeng yun... Dahil ako? Mahal ko na siya.

Ang Probinsyanang PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon