* Kristel POV *
Tinulongan ako nina Sam at Nuel na tumayo ng sipain ako ni Hugo. Alam ko namang mangyayari ito.. kaya hindi na ako nagulat sa ginawa niya.
" Okay ka lang? " tanong sa akìn ni Sam.
" I'm fine. " nakangiting sabi ko sa kanya.
" Magsisimula na ba tayo? " nakangising tanong ni Nuel sa amin.
Nagkatinginan naman kaming tatlo at maya-maya sabay kaming tumawa. Sa mga nakakita sa amin, para sa kanila normal lang itong pagtawa namin. Pero para sa amin, kapag tumawa na kami siguradong may mangyayaring igugulat nilang lahat.
" Abat! Talagang nagawa niyo pang tumawa? " sabi ni Hugo na halata sa mukha niya yung pagkapikon niya.
" Ang daldal mo.. tapusin na natin toh para makaalis na yung mga kaibigan ko. " sabi ko sa kanya.
Napataas nalang yung kilay ko na ang sama ng pagkakatingin niya sa akin.
Tsk!
Kung yung mga schoolmate niya ay natatakot sa kanya. Pwes! Ibahin niya ako.. dahil wala akong pakialam kung sino man siya. Wala akong pakialam kung siya man ang pinakamalakas na tao. Ano ako tanga para hindi siya labanan? At hayaan nalang siyang saktan ako? No way! Dahil walang sino man ang may karapatan na saktan ako.
Naglaro ulit kami at hindi na katulad nong unang laro namin. Dahil inilabas narin ni Hugo ang tunay na kulay nila kung paano sila maglaro ng basletball... Ngayon alam ko na kung bakit ganun nalang ang pagkontra nong pakialamero na yun sa amin na makalaro sina Hugo. Dahil talaga namang hindi sila madaling kalaro. At sigurado akong matatakot makipaglaban yung iba kina Hugo. Hindi kasi laro ang ginagawa nila eh. May kasama pa itong pangbubugbog.
Nakatikim na kaming tatlo sa ginagawa nila. May sisipain ka.. susuntukin ka sa mukha o di kaya sa may sikmura. Pero ang nakakatuwa lang! Hindi nila magawang maka score pa kahit ano mang gawin nila sa amin. Kapag kasi sa kanila ang bola mabilis kaagad namin itong nakukuha at saka ishoot sa ring kahit na sa malayo palang kami. Isa pa binibigyan din namin ng trick kapag magshoot kami ng bola sa ring dahilan para mas lalong mainis sina Hugo.
" Shit! " napatingin ako kay Sam ng marinig ko syang magmura.
" Are you okay? " nag-alala kung tanong sa kanya.
" Papatayin siguro ako ng mga ungas na yun. " galit nitong sabi.
Tumagilid siya ng kunti sa akin. Kaya nalaman ko kung ano ang ibig niyang sabihin. At doon biglang uminit ang ulo ko ng makitang sinugatan siya doon sa bandang tagiliran niya. Hindi naman ito malaki at hindi ito gaanong malalim pero sapat na yung dumugo na yung tagiliran niya. At sapat na yun para bigyan nila kami ng dahilan para gawin namin ang ginagawa namin sa probinsya.
" Times up muna kami. " sigaw ko.
Napatingin ako kuna Hugo at mas lalong uminit ang ulo ko na parang tuwang-tuwa pa sila sa ginawa nila sa kaibigan ko. Pero agad naman silang napatigil ng tiningnan ko sila ng masama. Yung tingin na siguradong mapapatahimik sila.
" Masakit ba? " tanong ni Nuel sa kanya habang inaalalayan niya itong lumakad papunta sa may bench saka pinaupo.
" Gago! Ikaw kaya ang saksakin ko!? " inis namang sabi sa kanya ni Sam.
Lumapit ako kay Sam saka itinaas ng kunti yung damit niya para tingnan yung sugat niya. At tama nga ako. Hindi nga ito malalim, parang sinugatan lang talaga nila si Sam.
" I told you. Hindi madaling kalabanin sina Hugo. " napatingin naman ako sa taong nagsalita. At mas lalo lang ako nainis ng makita ko ang mukha ng pakialamero na yun.
Tumayo ako saka inis na hinarap yung lalake na yun.
" Bakit kaba nagingialam!? Hindi ko naman hinihingihi ang opinion ha! " inis kung sabi sa kanya.
Napansin kung nagulat siya sa inasta ko ngayon. Pero agad ding nakabawi at masama akong tiningnan. Magsasalita sana siya ng sumingit si Nuel sa aming dalawa.
" Oy! Kris. Tama na yan. Pinapairal mo naman yang init ng ulo mo. " awat sa akin Nuel, saka ibinaling yung tingin niya sa kaharap niya.
" Pagpasensyahan mo na itong kasama namin, Brad. Mainitin lang talaga ang ulo nito. " paghinging despensa ni Nuel sa kanya.
Inis ko namang inalis yung pagkakaakbay sa akin ni Nuel saka lumapit ulit kay Sam.
" Ito gamitin niyo muna. " napatingin ako don sa umabot ng first aid kit.
Tiningnan ko lang siya sandali saka walang sabing-sabi na kinuha sa kamay niya yung first aid saka ginamot yung sugat ni Sam. Pagkatapos kung gamutin ang sugat niya ibinalik ulit sa lagayan yung mga gamit na ginamit ko saka ito ibinalik.
" Thanks. " sabi ko doon sa lalakeng nag-abot sa akin ng first aid kanina. Ngumiti lang naman siya sa akin. Alam kung gusto niyang magsalita, pero hindi niya mabitaw-bitawan dahil alam kung nararamdaman niya yung masamang aurang bumabalot sa akin.
" Kaya mo pa bang maglaro? " tanong ko kay Sam.
Ngumisi lang siya sa akin at alam ko kung ano ang sagot niya. Tinulongan ko naman siyang tumayo ng maayos.
" Ang tapang niyo rin talaga noh? May sugat na yang kaibigan niyo.. gusto niyo paring maglaro. Magpapakamatay ba kayo? " medyo inis na sabi nong pakialamero na yun.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Dahil kapag ako hindi mapigilan yung inis sa lalakeng toh. Baka siya ang mapunta sa hospital sa halip na sina Hugo.
" Pwedebang tumahimik kana lang? Mas mabuti pang hawakan mo nalang itong bonet ko. " sabi ko sa kanya saka inalis yung bonet na suot ko at ibinigay sa kanya.
Naghihintay akong kunin niya ang bonet ko. Pero bahagyang napataas ang kilay ko ng makitang tulala siyang nakatingin sa akin maging yung mga kaibigan niya. Parang mga tanga lang habang nakatingin sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng babae ay ganyan nalang ang pagkatulala nika habang nakatingin sa akin?
" Y-you. " gulat nitong sambit.
" Yeah! Its me. " bored kung sabi sabay kuha ng isang kamay niya at inilagay ko doon ang bonet ko.
" Ingatan mo yan ha. " sabi ko sa kanya saka umalis sa harapan nila.
Napangisi nalang ako sa mga reaksyon nila maging sina Hugo ng makita ako. Hindi kasi nila akalain na babae ako...dahil sa suot kung bonet. At alam kung talagang magugulat ko talaga sila, lalo nat ako yung babae sa school kanina.
Ipinusod ko yung buhok para hindi siya istorbo sa paglalaro ko. Nainitan kasi ako sa bonet kanina lalo nat sobrang mainit dito.
" Langya naman o. Ikaw lang pala yan transferee? " nakangising sabi sa akin ni Hugo.
" Oo ako nga! Kaya matakot ka. " malamig kung sabi sa kanya dahilan para matigilan siya at yung mga kasama niya.
Dapat lang! Dahil doble ang ibibigay namin sa kanila sa ginawa nila kay Sam. Hindi ba nila alam na ito ang klase ng laro ang lagi naming nilalaro sa probinsya. Kaya sanay na sanay na kami dito at sigurado akong sa hospital ang bagsak nilang lahat.
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang Palaban
ActionKristel Cane Cruz a different girl from province, at malaki ang pagkakaibihan niya sa mga babaeng nandon. Kung ang mga ito ay parang hindi makabasag pinggan. Pwes! ibahin niyo siya, dahil kung saan ang gulo, nandon din siya. Hari-harian sa kanilang...