Chapyer 35

9.3K 316 15
                                    

Napatingin ako sa lalakeng kakapasok lang sa kusina namin. Halatang bagong gising lang siya dahil napupungay pa ang mga mata nito. Wala si Kuya Red dito sa bahay dahil may out of country meeting siya. Kaya ako at ang mga katulong lang ang kasama ko dito kanina. Hanggang sa dumating ang isang toh.

" Gising kana pala. " sabi ko sa kanya.

Lumapit naman ito sa akin at tiningnan yung niluto ko.

" You cook? "

" Ay hindi po, Sir. Naghuhugas po ako ng plato ngayon. " pang-aasar kung sa kanya.

Sumama naman ang tingin nito sa akin na ikinatawa ko lang. Pero agad naman akong napatigil sa pagtawa ng bigla ako nitong hinalikan.

" Now, you stop laughing. " nakangising sabi nito sa akin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at saka tinalikuran ko para ipagpatuloy ko yung pagluluto ko.

Habang tulog kasi siya kanina, naisipan ko kasing ipagluto siya. Dahil napansin kung parang nangangayat siya.

Matapos kung magluto at nakapagprepare narin siya ng plato sa mesa at naghain ng kanin. Nagsimula na kaming kumain dalawa. At napangiti ako dahil magana siyang kumain. Nakailang plato nga siya kanina eh.

Mtapos naming kumain, niyaya ko naman siyang maglakad-lakad sa labas na sinang-ayunan niya naman. Ang boring kasi sa bahay, walang magawa.

" Nga pala, Sandoval. Saan kaba nanggaling? Ilang araw kanang hindi pumapasok sa school ha. " sabi ko sa kanya.

Nang hindi siya sumagot. Napatingin ako sa kanya at nagulat ako, dahil masama ang tingin niya sa akin.

" Bakit ganyan ka makatingin sa akin? " nagtataka kung tanong sa kanya.

" You called me in may surname.. again. " matigas nitong sabi.


" Ayaw ko kasing tawagin ka sa pangalan mo.. dahil hindi ako sanay... " sabi ko sa kanya, pero napangisi ako ng may naisip akong kalukuhan. " Pero kung gusto mo, pwede kitang tawaging, Babe. " nakangising  sabi ko sa kanya.

Akala ko maasar siya sa sinabi ko. Pero laking gulat ko ng makita ko siyang ang laki ng ngiti niya. At saka ako hinawakan sa bewang papalapit sa kanya.

" I'll go with that. " nakangiti nitong sabi at hinalikan ako sa pisngi.

Napangiti nalang ako at hindi na umangal pa. Pinagpatuloy namin yung paglalakad namin, hanggang sa makarating kami sa may plaza at umupo sa mga bleachers na nandon.

" Hindi mo pa sinasagot yung tanong sayo kanina, ha. Saan ka ba nanggaling nitong mga nagdaang araw? "  tanong ko ulit sa kanya.

Napatingin naman ito sa akin, at biglang sumeryuso ang mukha niya.

" May inasikaso lang akong importante. " sabi nito sa akin.

Hindi na ako nagtanong pa, dahil mukhang wala naman itong balak sabihin sa akin kung ano yung inasikaso niya.

Napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko.

" Bakit? "

Nagtaka ako ng tumayo ito at pumunta sa harapan ko at doon umupo saka tumingin sa akin.

" W-what are you doing? " nagtataka kung tanong sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at hiniwakan yung kamay ko na mas lalong kinanuot ng noo ko.

Ang Probinsyanang PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon