Napagising ako ng may naramdaman akong may humahalik-halik sa mukha ko at leeg ko, dahilan para mapakiliti ako.
" Good morning. " nakangiti nitong sabi sa akin ng mapatingin ako sa kanya.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa posisyon naming dalawa. Nasa ibabaw ko lang naman siya, habang nasa ilalim niya ako.
" What are you doing? " kunot noo kung tanong sa kanya.
" Ginigising ka. " nakangiti nitong sabi at hinalikan na naman ako nito sa pisngi.
" Ginigising o hinahalikan? " inis kung sabi.
Tumingin naman siya sa akin ng deritso.
" Well...both. Ginigising ka sa pamamagitan ng halik ko. And its effective. " nakangisi nitong sabi.
Sisikmurahin kuna sana siya ng mahuli nito ang kamay ko. Pilit ko itong binabawi, pero sandayang malakas talaga siya.
" Not this time, baby. " nakangiti nitong sabi sa akin at siniil ng halik ang labi ko.
Nong una, nagpumiglas pa ako sa ginawang paghalik niya sa akin. Pero di nagtagal, bumigay rin ako at tinugon ang bawat halik niya sa akin. At dahil don, naging aggresibo ang paghalik niya sa akin, hanggang sa palalim na palalim ito. Na para bang uhaw na uhaw siyang halikan ako?
Pero sa totoo lang, sa bawat paghalik niya sa akin. May lagi akong kakaibang nararamdaman, parang may parung-paring naglilipadan sa tyan ko. At mga kuryenteng dumadaloy sa buo kung katawan sa tuwing hinahalikan niya ako. At isa pa, parang naaddict narin ako sa paraan ng paghalik niya sa akin. Yung bang hanap-hanapin mo?
Mahina kung itinulak si Sandoval papalayo sa akin ng makarinig ako ng katok na nagmumula sa pinto ng kwarto ko.
" Kristel! Kapag hindi pa kayo, lumabas dyan dalawa. Babasagin ko ang pinto na toh! " pagalit na sabi ni Kuya Red mula sa labas ng kwarto ko.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Sandoval at parehong napangiti nalang.
" Lalabas na po kami, Kuya. " sigaw ko pabalik.
Hindi ko naman siya narinig na nagsalipa at mukhang bumaba na ito.
Napasinghap naman ako ng biglang iniba ni Sandoval ang pwesto naming dalawa. Dahilan para mapunta ako sa ibabaw niya at yung dalawang kamay ko ay nakapatong sa ibabaw ng dibdib niya. Habang nakatingin siya sa akin at dahang-dahang hinahawakan ang mukha ko.
" Your so beautiful. " sabi nito sa akin.
" I know. " pagmamayabang ko sa kanya, dahilan para mapatawa siya.
Bigla akong natigilan ng biglang tumibok na malakas ang puso ko. Dahil sa pagtawa niya. Sa paningin ko, parang mas lalo siyang pumogi. At isa pa, ngayon ko lang siyang nakitang tumawa.
Saglit ako nitong hinalikan sa labi, bago kami sabay na lumabas sa kwarto ko.
Pagdating namin sa kusina, sobrang sama ang tingin sa amin ni Kuya Red. Habang yung tatlong kaibigan niya ay natutuksong nakatingin sa aming dalawa. Lalo na sa kamay naming magkahawak.
" Kailangan kuna bang magprepare para sa kasal niyo, ha Kristel. " seryusong sabi sa akin ni Kuya Red.
Napangisi naman ako sa sinabi niya at bumitaw sa pagkakahawak sa akin ni Sandoval, saka tumingin kay Kuya Red.
" Yes! Kuya. Pakiprepare ng lahat na kailangan para sa kasal. At gusto ko gwapong-gwapo ka sa kasal ko, yung lahat ng tao ay mapapatingin sayo. Ikaw na rin ang mag-ayos ng mga damit na kakailanganin. " nakangising sabi ko sa kanya.
Mas lalong dumilim ang tingin niya sa akin. Sina Hanz, Geo at Oscar ay nagpipigil ng tawa. Habang si Sandoval ay naging seryuso ang mukha sa kadahilanang hindi ko alam.
Pansin ko ang paghinga ng malalim ni Kuya, dahilan para pigilan niya ang inis niya sa akin.
" Lets eat. " sabi nito.
Nagsimula na kaming kumain lahat. At habang kumakain kami, panay ang daldal ng tatlo na para bang kanila ang bahay na toh? Kung makapag-ingay kasi, para wala sa kanilang harapan yung may ari ng bahay.
" Bago ko nakalimutan. Kailangan niyong palitan yung kotse ko. " sabi ni Kuya dahilan para matigilan yung tatlo.
" Natahimik din kayo. " sabi ko sa kanila at inubos yung pagkain ko.
" Pwede bang, next year nalang namin yun bayaran? " sabi sa kanya ni Geo.
" No! Kailangan ko yung sasakyan ko this month. " seryuso nitong sabi.
Unlike Kuya Red. Talagang hindi ito papayag na hindi kaagad palitan yung kotse niya. Alam niyo naman, mahal na mahal niya ang mga gamit niya. At kapag may nasira ka, talagang papalitan mo kaagad.
" Kaya niyo na yan. Marami naman kayong pera eh. " sabi ko sa kanila.
Sandali naman nila ako tiningnan, bago sabay na nagbuntong hininga. Ang yaman nila, kaya malamang kayang-kaya na nilang palitan ang kotse ni Kuya Red. Kasalanan naman nila kung bakit nasira yun eh.
Matapos naming kumain lahat. Nag-ayos na yung apat papaalis sa bahay namin. Kailangan na daw kasi nilang umalis, dahil may importante pa daw silang aasikasuhin. At kahit na hindi nila sabihin sa akin, kung ano yun? Alam kung tungkol yun sa nangyari sa kanila kagabi. At alam ko din na hindi basta-bastang mga tao lang ang nakaharap nila kagabi. Dahil sa paraan ng paghahabol ng mga ito sa amin, talagang gusto ng mga ito na saktan sila.
" Saan ka na namang pupunta? " tanong ni Kuya sa akin ng mapansin akong papalabas ng pinto ng bahay.
" Maglibot-libot lang ako, Kuya. " sabi ko sa kanya.
Kunot noo naman ako niting tiningnan at halatang hindi siya naniwala sa sinabi ko.
" Maglibot-libot o susundan ang mga yun. " sabi nito na pagtutukoy doon sa apat.
Napakamot naman ako sa ulo ko at lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Wala kasi itong trabaho at wala rin kasi kaming pasok. Dahil alam niyo na, linggo ngayon.
" Sandali lang naman ako, Kuya eh. Babalik din kaagad ako. " paglalambing ko sa kanya.
" No! Kristel. Pinasama ka sa akin ng itay mo para mag-aral dito. Hindi para maghanap ng gulo. " seryuso nitong sabi sa akin.
Napasimangot naman ako, saka niyakap siya sa bewang para magpalambing sa kanya.
" Sige na kasi, Kuya. Payagan niyo na ako. Gusto ko lang naman kung sino talaga sila. Lalo na si Sandoval. "
Pagkarinig ni Kuya sa apelyido ni Sandoval, umayos ito ng upo at mariin akong tiningnan.
" Alam kung wala talaga kayong relasyon ng lalakeng yun, Kris. At alam ko din na kaya mong protektahan ang sarili mo... Pero Kris, kapag kasama mo yun si Sandoval, pareho nating alam na mas lalo ka lang malalagay sa panganib. Lalo na at hindi pa natin sila kilala ng lubusan. "
Alam kung concerned sa akin si Kuya Red. At alam ko din na nag-alala siya sa kalagayan ko, at natatakot lang siya na baka may mangyaring masama sa akin. Pero dahil nga matigas ang ulo ko? Alam niyang hindi niya ako mapipigilan sa gusto ko.
" I'm so sorry, Kuya. Pero alam mo din na hindi mo ako mapipigilan. " sabi ko sa kanya.
" Talagang matigas ang ulo mo noh. " sabi nito na ikinangiti ko lang.
Umalis na ako ng bahay matapos kung magpaalam kay Kuya Red. Talaga kasing nacurious ako, kung anong klaseng tao sina Sandoval. At para narin malaman ko na dapat ko ba talaga silang katakutan.
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang Palaban
AcciónKristel Cane Cruz a different girl from province, at malaki ang pagkakaibihan niya sa mga babaeng nandon. Kung ang mga ito ay parang hindi makabasag pinggan. Pwes! ibahin niyo siya, dahil kung saan ang gulo, nandon din siya. Hari-harian sa kanilang...