Chapter 33

9K 350 0
                                    

* Kristel POV *

Nandidilim ang paningin ko habang nakatingin sa mayor namin na nagsasalita sa harapan naming lahat... Kung ano-anong plataporma ang sinasabi niya para utuin ang mga kababayan namin.

Malaki ang tiwala ko sa kanya na magiging maayos ang pamamalakad niya sa bayan. Pero ano ang ginawa niya? Nagpapasok siya ng masasamang tao dito sa bayan at magbenta ng droga para lang sa pera? Puro kasinungalingan at panloloko ang ginawa niya dito sa bayan namin at sa mga tao dito. At dapat ng tapusin ang lahat ng yun, bago pa kumalat sa buong bayan.

" Kris, nakaready na kaming lahat. "  rinig kung sabi ni Nuel sa earpiece na gamit namin ngayon.

Napatingin ako kay Sandoval na nakatingin din sa akin ngayon. At parang normal lang na tao na nakatayo di kalayuan sa amin. Alam ko yung sinasabi ng mata niya na mag-iingat ako. Kaya tumango ako sa kanya.. saka tumayo at naglalakad papunta sa may stage.

Nandito kaming lahat sa plaza ngayon para marinig ang mga walang kwentang sinasabi ng aming mayor. Mga salitang puro kasinungalingan lang naman pala.

" Huwag kayong mag-alala mga kababayan ko... Mas bubutihin ko pa ang pagtratrabaho ko para mas lalong guman- " hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng makita niya akong papaakyat sa stage.

Kahit na yung mga tao sa paligid namin ay nagbubulongan, dahil sa bigla kung paggawa ng eksena at pagputol ng sasabihin ng mayor namin... Bastos na kung bastos.. pero walang karapatan ang mayor na toh sa harapan naming lahat na pagmunuan ang bayan namin.

Kinuha ko yung isang mic na nakapatong sa mesang naroon saka nagsalita at tumingin sa mayor namin na parang pinapawisan na... Nagpapahalatang may ginawang kagagugan dito sa bayan.

" Good evening, Mayor. Pasensya na kung bigla kung pinutol ang pagsasalita mo. May importante lang kasi akong sabihin sa mga kababayan natin. " nakangiting sabi ko sa kanya.

Napakunot naman ang noo niya at halatang kinakabahan siya. Pero pilit niya paring nilalabanan ang kaba para hindi siya mahalata ng mga tao.

" Ngayon na, KC? Baka pwede mo naman sigurong sabihin yan pagkatapos ko. " sabi nito sa akin.

" Hindi na kasi makapaghintay, Mayor... Hindi na ako makapaghintay na malaman ng mga tao ang ginagawa mong kabalustugan sa bayan natin. " seryuso at galit kung sabi sa kanya.

Rinig ko ang pagkagulat at pagkasinghap ng mga tao sa narinig nila mula sa akin.

Of course! Talagang magugulat silang lahat na may tinatago palang baho ang pinagkakatiwalaan nilang Mayor.

" A-anong pinagsasabi mo dyan, KC? Kung nandito ka lang naman para siraan ako sa mga kababayan natin. Umalis kana lang. " galit nitong sabi sa akin.

Ngumisi lang ako  at humarap sa mga taong may pagtataka sa mukha nila. At halatang naguguluhan sila sa nangyayari.

" Tama kayo ng rinig... Itong Mayor natin ay may kagaguhang ginawa sa bayan natin! Siya lang naman ang nagpasimuno sa pagbebenta ng droga dito sa bayan natin... Sinira niya ang tiwala natin sa kanya. " galit kung sabi.

Pagkaranig nila non.. nagkanya-kanya naman sila ng opinyon. At pinagsalitaan ng masasakit na salita ang mayor namin... Naramdaman kung papalapit sa akin ang ilang bodyguard ni Mayor para pigilan ako. Kaya agad akong naalerto sa gagawin nila.

" Paalisin niyo ang babaeng yan. Wala siyang karap- "

" Mas lalong wala kang karapatan na gumawa ng karantaduhan sa bayan natoh! Pinagkatiwala ko sayo ang bayan natin, Mayor... Pero anong ginawa mo? Buminta ka ng droga para lang sa pera? " galit kung sabi sa kanya.

Ang Probinsyanang PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon