Kanina pa nagsisimula ang laro namin. At kanina ko pa gustong matawa ng makita ang hindi maipintang mukha ni Hugo. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit na wala ka pang nakukuhang score hanggang ngayon. At ang malala pa, puro pasa na yung mukha niya. Ang tanga-tanga kasi...hindi man lang marunong umiwas sa mga suntok na binibigay ko sa kanya. Hanggang yabang lang siguro ang isang toh eh.
" Go! Kris. Patumbahin mo na yan. " sigaw ni Nuel.
" Pakainin mo na lang ng bola, Kris! " sigaw naman ni Sam.
Tumingin naman ako sa kanila saka ngumiti habang dinidrebol ko yung bola. Pero agad akong napaiwas ng sugurin ako ni Hugo gamit ang patalim na hawak niya. Umikot ako papunta sa likuran niya dala yung bola saka sinipa ang likod niya dahilan para mapahiga siya sa may semento.
" Ang galing mo talaga, Kris! " sabay na sigaw nila Nuel at Sam
Kinawayan ko lang sila saka tumingin kay Hugo na, ang dilim ng pagkakatingin sa akin.
" P*tang*na ka! " galit nitong sabi.
Ngumisi ako sa kanya na mas lalong kinagalit niya.
" Whatever you say. Loser! " nakangising sabi ko saka nagform pa ng letter L sa kamay ko.
Tumayo naman siya para sumugod ulit sa akin. Pero bago pa man siya makalapit sa akin. Itinapon ko ng sobrang lakas yung bolang hawak ko sa kanya, dahilan para matamaan siya sa sikmura niya at pag-ubo ng sarili niyan dugo. Nang hindi pa sya nakakabawi sa ginawa ko sa kanya. Mabilis akong tumakbo papunta sa direksyon niya at saka kinuha ang bola at ishinot sa may ring. Nang pumasok ito, saka ako humarap kay Hugo na gulat na nakatingin sa akin.
" You lose. " sabi ko sa kanya.
Tatalikod na sana ako ng makita ko sa peripheral version ko ng may kinuha siya sa kanyang likod saka sumugod sa akin. Pero bago pa man mangyari ang binabalak niya. Agad akong humarap sa kanya, para sana pigilan siya sa gagawin niya ng may nauna ng gumawa sa akin non.
" Tanggapin mo nalang ang pagkatalo mo, Hugo. " seryuso nitong sabi habang yung isang kamay niya ay nakapigil sa kamay ni Hugo na may hawak na patalim.
Tsk! Pakialamero talaga.
Sino pa ba? Walang iba kundi ang lalakeng yun.
" Huwag kang mangialam dito, Sandoval! " galit nitong sabi sa kaharap niya.
Hindi ito nagsalita sa halip marahas itong kinuha kay Hugo ang patalim na hawak nito, saka sinuntok si Hugo sa mukha.
" Huwag kang taranrado, Hugo! Baka nakalimutang mong may atraso kapa sa akin. " seryuso nitong sabi dahilan para matahimik si Hugo.
Hindi ko nakikita yung mukha niya. Pero sa tono ng pananalita nito...sapat ng malaman kung galit ito at matakot ka. Malamig ang boses nito dahilan para magsitayuan ang balahibo mo sa katawan. Kahit ako ay nararandaman ko yun. Napatingin ako kina Sam at Nuel na nakatayo na. Nakataas ang kilay kung nakatingin sa kanila. Pero nagkibit balikat lang sila sa akin para sabihin na hindi din nila alam kung ano ang nangyayari.
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang Palaban
ActionKristel Cane Cruz a different girl from province, at malaki ang pagkakaibihan niya sa mga babaeng nandon. Kung ang mga ito ay parang hindi makabasag pinggan. Pwes! ibahin niyo siya, dahil kung saan ang gulo, nandon din siya. Hari-harian sa kanilang...