Epilogue

15.5K 547 96
                                    

Kunot noo akong napatingin sa mga kasama namin habang nagbavolleyball at ang kalaban nila ay dito lang din sa bayan namin.. at kasama na don sina Nuel at Sam. Hindi ko alam kung naglalaro lang ba talaga sila o nagkakaseryuso nah? Kasi naman eh.. nagkakasakitan na sila sa mga pinagagawa nila. Dahil sa bawat isa sa kanila.. sa katawan lahat nila pinatataman. Pero ang kawawa ay yung sa kabilang team.. ang kalaban nila Zeke. Dahil bawat tira na binibigay sa kanila nina Zek ay talagang sapol sa mga katawan nila. Pwera sa kanila.. kung titira man sila naiiwasan naman lahat ng yun ng mga kateam mate nina Zeke. Kaya mukhang nagkakasakitan na sila.

Dahil nandito ako sa Probinsya at kapwa kung probinsyano ang kalaban nila Zeke. At isa pa, alam ko ang kakayahan nila Zeke.. at alam ko din kung ano ang kakayahan nila Sam at Nuel. Pero yung dalawang kasama nila.. mga ordinaryung mamamayan lang sila dito sa Probinsya namin.. at wala silang alam kung ano ang pinagagawa ng mga ugok na ito. Kaya kailangan ko ng mangialam sa kanila.

" Pakihawakan mo muna siya. " sabi ko kay Emy na katabi ko.

Agad niya naman itong kinuha sa akin at bago pa siya umangal.. umalis na ako sa harapan niya at pumunta sa may gitna kung saan sila naglalaro.. at kung saan nakapwesto sina Nuel at Sam at ang dalawa pa nilang kasama. Saglit naman silang napatigil at napatingin sa akin. Pero biglang nangingibabaw ang malakas na boses ni Zeke.

" WHAT ARE YOU DOING, HON! " sigaw nito sa akin.

Ngumisi lang ako sa kanya na mas lalo nitong kinasama ng tingin nito sa akin.

" Lets play the real game. " malamig at nakangising sabi ko sa kanila.

Masama parin ang tingin sa akin ni Zeke, pero agad ding ngumisi ng malaman nito ang gusto kung mangyari sa larong ito... Tumango lang ako kina Sam at Nuel, saka ipinaalis yung dalawang kasama nila kanina at ako ang pumalit sa kanila.

" Kris, ano ang gusto mong mangyari ngayon? " tanong sa akin ni Sam.

" Ang ipahiganti kung ano ang ginawa nila sa mga kasama natin. " seryusong sabi ko sa kanila.

" Sabi mo eh. " sabi naman ni Nuel.

Ngumisi lang ako sa kabilang team saka namin sinimulan ang laro. 3 vs. 3 dahil umalis si Oscar para siya ang magsilbing referee namin. As if namin makakareferee siya. 

" Be careful wife. " huling sabi ni Zeke bago namin sinimulan ang laro.

Naghiyawan naman ang mga manunuod pagkaumpisa ng laro namin. May nagchecheer sa bawat isa sa amin. Pero mas malakas yung cheering sa amin, dahil alam niyo nah lagot sila sa akin kapag hindi sila kumampi sa amin... Napaiwas ako ng papunta sa deriksyon ang bolang tinira ni Hanz sa akin, dahilan para sumama ang tingin sa kanya ni Zeke.

" Subukan mong gawin ulit yun, Hanz. Ipapakain ko sayo ang bola na yan. " seryusong sabi nito kay Hanz.

" What? Kalaban natin sila eh. " reklamo naman nito.

" Pero asawa ko siya! " malakas na sigaw nito.

Napangiti naman ako sa sinabi niya at hindi ko maitatanggi na kinilig ako. Paano ba naman kasi, talagang ipinagsigawan niya na asawa niya ako sa harapan ng maraming tao.

3 years na ang lumapis simula nong nangyari. At sa 3 years na yun, marami na ang nangyari... Nakagraduate ako kahit na buntis ako. At nagpakasal kami ni Zeke matapos kung manganak sa anak naming babae... Ipinasa na din ni Papa kay Zeke yung business niya kahit yung organisasyon. Pero tinutulongan ko din naman si Zeke, dahil alam kung kailangan niya ang tulong ko.

Ang Probinsyanang PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon