Chapter 31

9.8K 326 4
                                    

" Ano na ang plano mo ngayon, Kris. Tutugisin na ba natin ngayon ang mga dumi sa bayan? " nakangising tanong sa akin ni Nuel.

Ang tinutukoy niyang dumi ay yung mga taong gumagawa ng masama sa bayan at ang nagbibinta ng droga dito.

" Masyado kang excited, Nuel. Bakit, alam niyo na ba kung sino ang nagpasimuno sa pagbibinta ng droga dito? " tanong ko sa kanila.

Pinulot ko yung mga nagsilaglagang mga bunga ng mangga dulot ng malakas na ulan kagabi saka ito nilagay sa basket. 

Malakas kasi ang ulan kagabi, at hindi talaga mapapakaila na mahuhulog yung bunga ng mga prutas namin dito... Kailangan din naming maglinis dahil maraming dahon ang nagsilaglagan rin.

" May alam kami, pero hindi kami sigurado kung talagang siya ang pasimuno sa bintahan ng droga dito sa atin. " sabi ni Sam na nilalagay yung mga napulot niyang prutas sa basket.

" Sino? " kunot noo kung tanong sa kanya.

" Ang mayor sa natin dito, Kris. "

" A-ano? " gulat kung sabi sa kanya.

" Kahit kami ay hindi rin makapaniwala sa nakuhang inpormasyon namin, Kris. Pero ayon sa mga kasamahan natin dito. Kahina-hinala daw yung mga galaw niya. At one time, nakita nila itong may kausap lalake na ngayon lang din nila nakikita sa lugar na ito. " rinig kung sabi ni Nuel.

Natigilan naman ako, at nararamdaman ko ang panginginig ng buo kung kalamanan sa narinig ko... Alam kung hindi pa sila sigurado sa mga nalaman nila. Pero kapag totoo ang mga hinala nila. Magtago na ang mayor namin, dahil ililibing ko talaga siya ng buhay. Kasama ang mga buong pamilya niya.

" Ano na ang plano mo ngayon, Kris? " pag-uulit na tanong sa akin ni Nuel.

Nilagay ko yung prutas na nasa kamay ko, saka tumayo ng tuwid at nakangising nakatingin sa kanila.

" Tulad ng ginagawa natin noon, kapag may gusto tayong malaman. " nakangising sabi ko sa kanila.

Napangiti naman yung dalawa sa sinabi ko. At nakikita ko sa mga mata nila na excited sila sa gagawin namin. At sisimulan namin yun mamayang gabi.

" Baka pwede kaming sumali sa pinaplano niyo. " napatingin ako kay Oscar na nasa tabi na pala namin. Kasama yung mga kaibigan niya.

Napatingin naman ako kay Sandoval na nakakunot noo na naman habang nakatingin sa akin ng seryuso.

" Bakit hindi. Mas marami mas maganda.. diba Kris? " sabi ni Nuel sa akin.

" Siguraduhin lang nila na hindi sila magiging sagabal. " sabi ko sa kanila.

Nang gumabi na, nagsihanda na kaming lahat papaalis sa bahay namin. Pinatulog muna namin yung kapatid ko bago kami umalis. Dahil alam kung magpumulit na sumama yun.. e delikado pa naman yung pupuntahan namin. At kapag sumama siya paniguradong mag-iingay lang yun.

" Sandoval! " matigas na tawag ni Tatay sa kanya.

Tsk! Ano na naman kaya ang kailangan ng matandang toh sa kanya? Lumapit naman sa kanya si Sandoval, at napataas yung kilay ko ng makita kung ipinatong ni Tatay ang isang kamay niya sa balikat ni Sandoval. At seryuso siya nitong tiningan.

" Siguraduhin mong iuuwi mo ng ligtas ang anak ko dito... Kung hindi.. gigilatain kita sa leeg. " sabi ni Tatay sa kanya.

Napapailing nalang ako, saka lumapit kay Itay at umakbay sa kanya.

" Tay! Huwag kang O.A. Papasukin lang namin yung bahay. Hindi pa kami sasabak sa gulo. " nakangising sabi ko sa kanya.

" Abat! Loko ka talagang bata ka! " mabilis akong napahiwalay sa kanya na hahampasin niya na naman sana ako.

Nagtago ako sa likod ni Sandoval at nakangiting nakatingin kay Itay.

" Lumapit ka ngang bata ka dito... Huwag mo aking pagsabihan ng O.A... Dahil gulo parin yung papasukan niyo. At kapag umuwi ka ditong may galos? Pareho kayong malalagot sa akin. " galit nitong sabi sa akin.

Yan na naman siya. Iba talaga kapag tumatanda na.. nagiging matatakutin nah.

Napatingin ako kay Sandoval ng hawakan niya ang kamay ko. Pero ang tingin niya na kay itay lang.

" Huwag kang mag-alala, Itay... I'll make sure na hindi malalagyan ng kahit ano mang galos ang anak niyo. " nakangiting sabi nito kay Tatay.

Nagpaalam na kami kay Tatay at nakaalis ng bahay. Pero ang tingin ko ay na kay Sandoval parin.

" Kung yelo lang ako? Siguradong kanina pa ako tunaw." sabi nito sa akin.

Tumigil ako sa harapan niya, dahilan para mapatigil din siga paglalakad. Hawak niya parin yung kamay ko, at parang wala siyang balak na bitawan ito.

" Tama ba yung narinig ko.. tinawag mong Itay ang Tatay ko? " hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

" Sinasanay ko lang yung sarili ko... "

Napaatras ako ng kunti ng ilapit niya yung mukha niya sa mukha ko.

" Dahil soon.. magiging Mrs. Sandoval kana. " nakangiting sabi nito na ikinatahimik ko.

Mrs. Sandoval?

Fuck! Ano ba ang nakain ng isang toh? And the fast few days, napapansin kung umiiba ang ugali nito. At kapag pinagpatuloy niya ang ganyang kilos niya. Talagang lagot ako nito.

" Mabuti naman dumating na kayo. Kanina pa kami naghihintay sa inyo dito eh. " inis na sabi ni Nuel.

" Sisihin niyo ang dalawang toh, naglalampungan pa sa daan eh. " paninisi sa amin ni Geo.

Masama ko siyang tiningnan at mabilis na lumapit sa kanya para sana suntukin siya sa mukha ng mabilis naman siyang lumayo sa akin.

" Lumapit ka ditong, gugong ka. At ng makatikim ka sa akin. " inis kung sabi sa kanya.

" Hindi ka naman mabiro, KC. Nagjojoke nga lang naman ako. " sabi nito na lumalayo parin sa akin.

" Joke ba yun? Sinisisi mo kami kung bakit tayo natagalan. Eh, kayo tong mga gagong naghanap ng gulo kanina! " inis kung sabi sa kanya.

" Hoy! Huwag mo akong idamay dyan, umawat lang ako kanina. " pagdepensa ni Oscar sa sarili niya.

" Ako ri- " sinamaan ko ng tingin si Hanz, dahilan para hindi matuloy yung sasabihin niya.

Paano ba naman kasi, itong dalawang ungas na toh. Tama ba namang, agawin yung mga syota ng mga nadaanan naming mga tambay na nag-iinuman sa daan kanina. At hindi lang yun, talagang hinalikan pa nila ang isa sa mga babaeng nandon. Kaya ang nangyari, ayun napawaay ang dalawa. Nagkaroon ng rambulan, dahil sa dalawang ungas na toh. Kailangan pa naming umawat para matapos nah.

" Hoy! KC.. awat nah. Nagsosorry na nga ako kanina pa.. Zeke, awatin mo naman itong syota mo. " paghihingi ng tulong ni Geo kay Sandoval.

" And why? It is your fault, kung bakit tayo nahuli. " sabi nito kay Geo.

Napasimangot naman si Geo sa sinabi niya. Para siyang bakla sa ginawa niya.

" Tama na yan, Kris. Kailangan na  nating simulan ang plano. " sabi ni Sam sa akin.

Tiningnan ko muna ng masama si Geo at saka lumapit kina Sam para sabihin sa kanila kung ano ang plano namin ngayong gabi.

Ang Probinsyanang PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon