Napatingin naman ako sa loob na pinasukan ko. Hindi pala siya banyo. Isa pala itong kwarto! Pagkapasok ko kasi agad bumungad sa akin ang isang king size bed sa harapan ko. Kunti lang ang gamit na nasa loob. Pero halatang mamahalin ang mga nandito. May ganito pala sa eskwelahan na toh? Kulang nalang magmukhang bahay ito e.
Napatingin-tingin muna ako sa loob bago pumasok sa isang pinto dito na siguradong banyo na talaga. Pagkapasok ko sa loob, agad kung hinubad ang mga damit ko saka naligo. Nakigamit narin ako ng sabon at shampoo na nakita ko sa banyo. Mukhang lalake ang may ari ng kwartong toh. Dahil lahat ng gamit na nandito ay gamit panglalake. Grabe din ang ginawang pangsasabon ko sa katawan ko para matanggal lang ang amoy na yun.
Bwesit kasi ang babaeng yun. Kung bubuhusan lang naman ako! Talagang yung mabaho pa!? Hindi ba pwedeng tubig nalang.. kung siya kaya ang buhusan ko para malaman niya kung ano ang paghihirap ko para mawala lang ang malansang amoy sa katawan ko.
Matapos kung maligo, kinuha ko yung tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto ng banyo at itinapis sa katawan ko. At saka lumabas, lumapit ako sa bag ko na nakapatong sa may kama saka kinuha yung mga undies ko doon. Lagi kasi akong may dalang extra kapag hindi ako makauwi sa bahay namin. Kapag kasi may gala kami nina Sam at Nuel at magagabihan kami ng uwi. At kapag hindi kami makauwi sa mga bahay namin. Sa hotel kami natutulog o sa mga kakilala namin. Kaya lagi akong may extrang dala incase of emergency, tulad ngayon. Ang problema nga lang, hindi ako nakadala ng damit ko at short.
Kaya ang ginawa ko, kumuha ako don sa kabinet na nakita ko kanina ng isang damit at saka boxer. Sobrang laki ng damit sa akin, hindi na nga makita yung boxer na sinuot ko. Mabait naman siguro ang may ari ng kwartong ito? Hindi naman siguro siya magagalit kung susuutin ko itong mga damit niya diba?
Inilagay ko na sa bag ko yung mga hinubad kung damit, saka sinuot ang sneakers ko na hinubad ko kanina bago maligo. Napatingin muna ako sa salamin na nasa harapan ko ngayon. Napangiti ako ng makita ko kung ano ang ayos ko ngayon. Black na T-shirt na parang dress ko na ito dahil sa laki nito, plus yung sneakers ko pa na color black din. Ang cool ko tingnan. Parang hindi ako binully kanina dahil sa ayos ko.
" What are you doing, Oscar? " rinig kung sabi ng isang pamilyar na tinig mula sa labas.
" Magsalita ka, Oscar. Kung ayaw mong pasabugin ka yang ulo mo.
" galit nitong sabi.Ano kaya ang nangyari sa labas.. may nakaaway kaya si Oscar?
" Eh...k-kasi bawal kang pumasok sa loob. " sabi naman ni Oscar dito.
" What the f*ck! Hindi mo ako papasukin sa sariling kwarto ko? " iretable nitong sabi.
Itong kwarto ba ang tinutukoy niya?
Para masagot ang tanong ko? Umalis na ako sa salamin at kinuha yung bag ko saka isinakbit sa balikat ko. At lumapit sa may pinto para buksan ito.
Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang nakatalikod na si Oscar at ang galit na mukha ni Zeke. Alam ko na ang pangalan nila. Nalaman ko ang mga pangalan nila, dahil sila lang naman ang laging bukang bibig ng mga babae dito tuwing naglalakad ang dalawang toh sa hallway.
" Ang ingay mo. " sabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin maging si Oscar na humarap sa akin.
Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mata niya ng makita niya akong nakatayo sa pinto.
" W-what are you doing in my room? " diin nitong pagkakasabi.
Kanya pala ang kwartong toh? Ang ganda naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/161992704-288-k389387.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyanang Palaban
ActionKristel Cane Cruz a different girl from province, at malaki ang pagkakaibihan niya sa mga babaeng nandon. Kung ang mga ito ay parang hindi makabasag pinggan. Pwes! ibahin niyo siya, dahil kung saan ang gulo, nandon din siya. Hari-harian sa kanilang...