Chapter 26

9.9K 399 14
                                    

* Kristel POV *

Napahikab ako ng makaramdam ako ng pagkabagot... Kanina pa kasi ako nandito sa pesteng kwarto na toh. At akala mo naman ang bango-bango dito.. pero shit lang! Sobrang baho ng patay na daga dito... Hindi ko nga alam kung paano natatagalan ng dalawang kasama ko dito ang kwartong toh. Sa halip na ako, ay halos mamatay na sa sobrang baho dito.

" Hoy! Pwede ba pakawalan niyo na ako dito? Kanina pa ako nababahuan sa pesteng kwarto na toh! "  inis na sigaw ko sa kanilang dalawa.

" Tumahimik ka.. kung ayaw mong saktan ka namin. " sabi nito sa akin.

" Nahiya naman ako sayo.. e kanina niyo pa kaya ako sinasaktan. " sabi ko.

Totoo naman kasi.. kanina pa nila ako sinasaktan at pilit na pinapaamin sa isang bagay na hindi ko alam. At hindi lang yun, lagi pa nilang sinasabi na fiance daw ako ni Austin na kalaban nila?

Ilang beses ko na nga silang sinabihan na hindi nga ako yung fiance ng kung sino mang Austin na yun. At halata namang ibang tao ang kinuha nila noh... Dahil narinig ko kanina na yung babaeng dapat sana nilang makuha ay yung babaeng nagmumuno sa isang malakas na organisasyon. At halata naman hindi ako yun.. mukha ba akong pinuno ng isang organisasyon? Ang bait ko kaya.

Pareho kaming napatingin ng bumukas ang pinto na nasa harapan ko. At bumungad doon ang pinuno nila at katulad kanina.. hindi ko parin nakikita ang mukha niya. Pero ramdam ko ang masamang tingin nito sa dalawang tauhan niya.

" Boss! May kailangan ka sa amin. " sabi nito.

" You stupid! " galit nitong sigaw kasabay non ang malakas sampal sa dalawang tauhan niya.

" B-bakit boss? "  nagtatakang tanong nong isa sa kanya.

" Hindi niyo alam kung ano ang ginawa niyo? Maling babae yung kinuha niyo! Sinabihan ko kayo na kunin ang fiance ni Austin.. pero iba yung kinuha niyo.  "

Napangisi nalang ako. Mga tanga kasi, sabing hindi nga ako yung babaeng yun. Ayaw kasing maniwala sa akin.. yan tuloy nakatikim ng sampal sa boss nila.

" Ngayong alam niyo na hindi ako yun. Pwede na ba akong umalis? " tanong ko sa kanila dahilan para mapatingin sila sa akin.

Ramdam ko naman yung masasamang tingin sa akin ng pinuno nila. Pero ngumisi lang ako dahilan para mas lalo sumama ang tingin niya sa akin na akala mo papatayin niya ako.

" Talagang ang lakas ng loob mong babae ka. Sa rami ng ginawa namin sayo, talagang may lakas loob kapang umasta ng ganyan sa amin ngayon? Kung patayin nalang kaya kita para tumahimik ka. " malamig nitong sabi sa akin.

" Owss... Talaga? Natakot naman ako sayo. " pang-aasar ko sa kanya.

Lalapit sana siya sa akin ng biglang dumating yung isang tauhan niya na hinahabol pa yata ang hininga niya.

" Boss! Sinugod tayo. " sabi nito.

Saglit naman napatingin sa akin yung matandang toh, bago tumingin sa mga tauhan niya.

" Bantayan niyo ang babaeng yan.... " sabi nito saka umalis kasama yung isang tauhan niya.

Tsk! Ilang araw na akong naghihintay.. ngayon lang dumating ang mga gagong yun. Ganun ba kahirap mahanap ang lugar na toh para matagalan sila sa paghahanap sa akin? O baka naman.. ngayon lang nila nalaman na nawawala ako? Saan ba kasi nagpupunta ang mga gagong yun.

Ang Probinsyanang PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon