NOTES:Readers/Guys
If nabasa niyo ang PROLOGUE connect po dito sa chapter na ito.Maari niyong balikan at basahin..T.Y.😘"FAITH"
AHH.....!!!muntik na akong malaglag sa sopa..nakatulog pala ako..kinapa ko ang pisngi ko,basa....basa sa luha..umiyak pala ako ng sobra.
Grabe ang bigat sa dibdib ang napanaginipan ko?
Naninikip naman ang puso ko.parang totoo!...Alam kong ang panaginip ko na yun.kabaliktaran..di mangyayari na ganun nalang ang gagawin sa akin ni Dan.
Yung tipong no talked less pained..
Kita ko pa mata nito ang malungkot at sakit nito.
Yung pakiramdam na tinusok ng kutsilyo ang puso ko na.baliwalain ka lang...Ah!!!!!..faith.iwas stress..alalahanin mo may baby na sa tiyan mo..kinunsensya pa ako ng isip ko..Tama nga naman..Di ako mag paapekto!panaginip lang yun!di mangyayari na palayasin ako!Mag asawa kami ni Dan,kasal kami..
Pero di ako mapakali dito.Saan na ba kasi siya?
Naka ilang text na ako sa kanya pero ni isang reply wala.tiningnan ko pa ang orasan na nakasabit sa dingding.mag aalas syete na pala..biglang kumalam ang sikmura ko..Baby...hinimas ko ang di pa umbok na tiyan ko..nagugutom ka na?sige kakain na si nanay..kahit di ka pa lumabas anak..mahal na mahal ka ni Nanay ha.tandaan mo yan..
Sana nga dumating na si tatay mo.para malaman niya.na maging ama na siya.Tinungo ko ang kusina.init ko lang ang pagkain kaninang umaga.Tinamad akong magluto ng hapunan.
Pagkatapos ko mainit ang pagkain...kumain na ako.
Then niligpit ko na ng matapos kumain..Di parin ako mapakali...iniisip ko kung saan ngayon si Dan.
Di na maganda tong ginagawa niya sa akin..
Hmmm..baka siguro na sa bahay nila.Minsan kasi nag doon siya natutulog lalo na pagnamimiss siya ng mommy niya..Pinagbibigyan ng asawa ko kasi may sakit daw ang mommy niya.sakit sa puso..Kaya ang naisip ko puntahan nalang baka nga andun siya.nakalimutan lang niya mag send ng message sa akin.
Pero lame excuses yung ganun nakalimutan para naman walang asawang nag aantay sa kanya.tsk!Kahit gabi na pupunta ako dun.para na din mabisita ko sila nanay at tatay.Matagal ko na din silang di na kikita.
Pinapaiwas muna ako ng asawa ko sa mommy niya kasi baka daw lumala ang sakit nito..Nung pag alis namin mag asawa sa bahay.sinugod sa hospital ang senyora.Kumuha ako ng hoody jacket.
Yun ang isinuot ko,malamig na sa labas lalo na gabi na.baka mahumugan si baby.Baby labas muna tayo ha.Puntahan natin si tatay sa bahay ng lola mo,sabay himas sa tiyan ko.
Nag jeep ako papunta dun.Daming mga pasahero.
Siksikan pa kahit wala ng space,sabihin pa na may bakanteng pang isa.hayyy..si kuyang driver talaga.
Kawawa tuloy ang ibang lalaking pasahero maipit ang ano nila...he.he..Sa wakas nakarating na din ako sa bahay nila Dan.
Nag doorbell ako..tiningnan ko muna ang wristwatch ko.alas otso pasada na pala.Ang bilis ng oras talaga.Agad naman nag bukas ang maliit na siwang ng gate.
Faith!?..gabing gabi na.napadalaw ka dito?Ang tagal na din di ka nadalaw.Halika pasok!.
Oo nga kuya.tukoy ko sa guard..ngiti ko dito.May bahagyang kaba akong nadama.Iniisip kong magagalit talaga ang senyora pagnakita ako.
Ano palang sadya mo Faith.?Alam mo naman ang ugali ng senyora.
BINABASA MO ANG
A FAILURE (COMPLETED)
Short StoryAng kwento na ito ay kathang isip lang sa malawak na imahinasyon.kung may pagkakahintulad man sa riyalidad.pasensya na po. May halong spg po ito.pero di naman malala.?..