"Magda"
Anak faith..gising na..
Niyugyog ang anak.Anong nangyari dyan sa tuhod ng anak natin Magda!?bakit may sugat!?
Tonyo!ginawa lang naman kabayo ang anak natin..nagasgas ang tuhod niya sa carpet..naawa ako sa anak natin Tonyo..kung may magawa lang tayo para lisanin ang pamamahay ng senyora..
Kaya nga Magda..gusto ilayo si faith dito.di na makaturungan ang pinaggagawa ng ni Daniel.
Apat na taon palang si faith.tapos si daniel sampung taon at malaking bulas na bata..tama bang sakyan ang anak natin...napakuyom nalang ang kamao ni Tonyo.
Bakit pa kasi ako naaksidenti..
Sana namatay nalang ako para di ka magtiis dito Magda..sana di nalang ako naoperahan.malaking utang na loob pa natin sa senyora.
Kahit pagsamahin pa natin ang sweldo nating dalawa.di pa tayo makakabayad..
Pati si faith nadadamay...kung alam ko lang kung sino ang tunay na magulang niya magda..isuli natin siya pero..nagtatanong na ako sa mga pulis at pinakita ang picture ni faith kung may naghahanap sa bata..pero wala naman silang record sa presinto...Nay..Tay....
Faith anak gising ka na pala.
Bangon ka na dyan at kakain na.pero gamutin ko muna sugat mo anak..
Bumangon na si faith.inayos muna ni Magda ang buhok nito.sinuklayan at tinalian.
Napahawak siya batok ni Faith.may pulang balat ito.Thank you po Nay..
Ang ganda ganda mo anak.may paghangang sabi ni Magda.aalagaan kita anak.mahal na mahal ka namin ni Tatay..
Ang galing ng anak ko mag english..saan mo natutunan nyan anak!?
Di ko po alam..sagot ni faith.
Nagtinginan nalang ang mag asawa...
At may binulong si Magda kay Tonyo..hinila muna palayo kay faith.(Mukhang galing sa mayamang pamilya si faith Tonyo..marunong siya mag english.kanina nga inenglish ako ni Daniel...di ko alam kung ano yung sinabi.tapos si faith na gawan ko ng merienda ang senyorito.dahil nagugutom na.)
Talaga magda!?naintindihan ni faith yun!?
Oo nga tonyo..tingnan mo naman ang kutis ng anak natin.sa labanos ata pinaglihi..saka matalino pa..
Yung pag aaral ni Faith.pano natin yan ei enrol sa eskwelahan.kailangan ng anong tawag nga tonyo sa papel na nakalagay yung pangalan at panganakan ng bata...!?A...ano ba yun magda...!?di ko alam...ay sus..ang hirap talaga yung walang pinag aralan..
Basta yun na yun..tonyo.dapat pabinyagan natin si faith...para makapag aral ang anak natin..
Ano ang dahilan natin pag tinanong tayo ng pare na bakit ngayon lang pinabinyagan ang bata..
Ei..di sabihin natin..kapos tayo at ngayon lang nabinyagan ang anak natin.siguro naman.di na magtatanong pa ang pari.
Sige..magda..tama ka nga..sige pabinyagan natin si faith....
********
Lumipas ang anim na taon.
"Tonyo"
Sampung taon na anak namin ni Magda...pinagmamasdan ko ang anak ko.nasa garden ito.nagtatanim naman ng mga bulaklak...sa edad na sampu ni faith.malaking bulas ang anak ko.parang nasa edad 15 na ang taas nito..
Anak..tama na yan..kain ka muna.
.nagpapainit ka na naman sa araw....tingnan mo balat mo anak namumula..mangingitim ka niyan.halika nga dito...lumapit si faith kay tonyo.
BINABASA MO ANG
A FAILURE (COMPLETED)
NouvellesAng kwento na ito ay kathang isip lang sa malawak na imahinasyon.kung may pagkakahintulad man sa riyalidad.pasensya na po. May halong spg po ito.pero di naman malala.?..