Nakakatakot mag-isa,
Para kang nakakulong sa isang silid na madilim na masikip pa,
Na habang tumatagal nakakasakal na,
Hindi na makahinga,Buti dumating ka,
Kaya nabawasan ang takot sa aking sistema,
Napalitan ng saya,
Ngunit nung tumagal unti-unting nanumbalik ang takot at kaba,
Na mas nadoble pa,Takot na muling maiwang mag-isa,
Lalo na't napakalapit na nating dalawa,
Iisipin pa lang parang mamamatay na,
Pano kaya kung nangyari na,Inialis ako sa aking kulungan,
Mga pader na nagtataasan,
Mga taong hindi ko malusutan,
Mga bagay na pilit tinatakasan,
Kahit walang kahahantungan,Mga salitang kay tamis,
Nagmula sa labing kay nipis,
Mga pangakong binigkas,
Mga kasinungalingang walang humpas,Akala ko ito'y totoo na,
Akala ko naiintindihan mo na,
Akala ko iba ka,
Pero hindi pala,
Katulad ka rin nila,Tama na...
Ayoko na...
Hindi ko naunawaan,
Pero akin ng naiintindihan,Mga pader na nagtataasan,
Mga taong kaya akong saktan,
Mga taong hindi ko maiiwasan,
Na hindi ko kailanman matatakasan,Tama naman yung ginawa ko,
Prinotektahan ko ang muling pagkawasak ng puso ko,
Natutunan kong pahalagahan ang sarili ko,
Salamat sa iyo...