Ilang taon man ang pagitan
Ilang tao man ang posibleng humadlang
Di kita papalitan
Basta yung pangako
Sana tuparin mo
Ilang linggo
Pero tila ilang taon ka ng nasa buhay ko
Ilang linggo
Pero parang isa ka na sa mga mahal ko
Di ko alam ang saysay ng tulang to
Pero tandaan mo
Setyempre 8, 2020
Ito yung araw na sinulat ko to
Patunay na matagumpay mong napasok ang sistema ko
Ilang oras pa lang na di nagkachat
Miss na kita agad
Di na makapag-antay matapos ang quarantine
Para sana ika'y masolo na rin
Disesais ako
Ikaw nama'y bente kwuatro
Agwat man nati'y walo
Walang tatalo
Tinuloy ko to ngayon ikatatlo ng oktubre
Kasi galit sakin ang bebe
Di ko alam kung pano babawi
Pero dahil ang pagsulat lang ang kayang gawin
Dito na lang babawi
Tagal nating di nag-usap
Ang lamig sumasabay sa ulan
Makulimlim lagi ang ulap
At lagi kitang hinahanap
Pero andaming hadlang
Mga personal na problemang ang hirap lusotan
Mga gawaing walang katapusan
Isabay pa ang aking katamaran
Patawarin mo sana ako
Kung nakalimutan ko
Ang mahalagang araw mo
Patawarin mo ako
Kung hindi ako nagsasabi sayo
Di man ako kasing galing ng iba
Kahit na puro rants ang laman nito
Gusto kong iyong tandaan
Wag ka na magalit sakin, miss na kitaaa
Sana magustuhan mo
Sana gusto mo pa din ako.
