Kaibigan

1.3K 30 7
                                    

Kaibigan,
Magkapatid na ang turingan,
Kaya hindi ko hahayaan,
Na masira ang nasimulan,

Kaya ako'y nagparaya,
Dahil alam kong nahulog ka na rin sa kanya,
Para na rin hindi matuldukan,
Ang ating pinagsamahan,

Alam kong wala akong pag-asa,
Pero ikaw meron pa,
Baka kayo talaga ang para sa isa't isa,
Kaya kahit masakit, ibibigay ko na siya,

Bes, kaya ko siyang tigilan,
Para sa ating pinagsamahan,
Dahil para sakin mas mahalaga parin ang kaibigan,
Kesa sa aking kahibangan,

Alam ko naman kasing mawawala rin to,
Makakalimot din ako,
Magiging ayos din ako,
At darating yung araw na ibibigay na rin sakin yung the one ko,

Kaya sige na,
Magpakasaya ka,
Gusto ko ––ay hindi, dapat maging kayo,
Para naman maging worth it yung pagpaparaya ko.

*********************************

Happy New Year!! Hope you like it. Para to sa mga magkaibigan na nafall sa iisang lalaki lang. Ganyan din ba kayo? Pavote naman po at syempre comment na rin para sa suggestions niyo. Labyuuu all.

Spoken Word TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon