Mahal ko,
Oo, ikaw,
Ikaw na nagmamay-ari ng puso ko,
Ikaw na nagbigay liwanag sa mundo,
Ang kapal ng muka ko,
Mahal lang kita,
Pero di kita pagmamay-ari,
Para itong kalsadang may makapal na aspalto,
Makapal to,
Kaso laging binabaha ng mga luhang kusa nalang tumutulo,
Kaya eto,
Manipis na,
At umabot na sa puntong,
Nais nalang na kainin ng lupa,
Sa t'wing dadaan ka,
Sobrang pagpapanggap ang kinakailangan,
Para mapagtakpan ang tunay kong nararamdaman
Ikaw,
Inakala kong totoo na,
Inakala kong magtatagal na,
Tapos ngayon,
Eto nasa baba akong mag-isa,
Nasa dulo ng walang hanggang binuo nating dalawa,
Nandito na ko,
Nandito na ko sa dulong unang narating mo,
Dulong gumulo ng buong mundo ko,
Lumalaban pa ko,
Di pa tapos ang puso ko,
Nais kong ipagpatuloy ang relasyong di man lang nagsimula,
Kaso,
Tama na siguro,
Masyado nang masakit ang puso,
Pinagtulakan kita palayo,
Kasi kailangan kita,
Kailangan kita,
Pero mas kailangan ka niya,
Mahal pa kita,
Kaso mas mahal na mahal ka niya,
Sino ba naman ako para harangan ung kwentong naumpisahan niyo,
Sa isang nobela,
Ako ung kontrabida,
Tapos kayo ung bida,
Inagaw kita sa kanya,
Kaya dapat lang na...
Dapat na itigil ko na,
Ang kahibangang kay tagal ding umikot sa sistema,
Kahibangang nagbigay ng saya,
Sayang tapos na,
At kasabay ng tulang to,
Dito ko na din tatapusin at pipigilin ang konti pang pagmamahal na natitira para sayo.