Kaba

2.2K 34 1
                                    


Matatag ako,
Yan ang tindig ko,
Masaya ako,
Yan ang hindi totoo,

Amazona, yan ang tingin ng iba,
Ngunit paraan ko lamang ito upang itago ang kaba,
Kabang pilit mang pigilan,
Pilit paring nadarama,

Kaba,
Wala kang dulot na maganda,
Kaba,
Isipan ko'y ginulo mo na,

Tama na...
Parang awa mo na...
Sawang sawa nako, kaba!
Sinisira mo ang buong sistema,

Sistemang binuo ng pusong walang pinaniniwalaan,
Sistemang habang buhay ng mararanasan,
At wala nang katapusan,
Kahit mawala ka man,

Sinabi mong wala akong kwenta,
Sinabi mong ako'y hindi mahalaga,
Ngunit ako'y naguguluhan,
Dahil may iba pang binubulong ang aking isipan,

Pilit tinatagan ang kalooban,
At pilit pinapaalala ang aking dahilan,
Para ipagpatuloy ang aking nasimulan,
Na pa rin sa aking kinabukasan.

Spoken Word TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon