Maling Mali (Part 2 ng Maling Tao)

1.3K 25 1
                                    

Masasabi bang ika'y maling tao, kung ikaw ang laman nito?
Kung ikaw ang nagpapagulo sa isip ko,
Ginulo ang tahimik na mundo,
At nagpatigil ng pintig ng puso ko,

Noon ko pa naramdaman,
Pero hindi ko naiparamdam,
Ako'y natatakot sa kalalabasan,
Baka ito'y humantong sa hindi pagkakaintindihan,

Oo nga't mahal ko siya,
Oo nga't kasintahan ko siya,
Pero BESTFRIEND kita,
Mas mahalaga ka at mas mahal kita,

Pero hindi ako nagkaroon ng panahong ipakita sayo,
Dahil hindi ko alam kung paano,
Di ko alam kung paano sasabihin sayo,
At kung ano ang sasabihin ko,

Konting oras nalang ang kailangan,
Para aking lubos na maunawaan,
Itong aking tunay na nararamdaman,
At kung para kanino talaga itong tibok na nararanasan,

Lubos akong tinamaan,
Sa aking mga nalaman,
Pareho tayo ng nararamdaman,
Ngunit hindi maipaglaban,

Ito'y mahalaga,
Para sa ating dalawa,
Ngunit may masasaktan muna,
Bago tayo sumaya,

Subalit ako ata ay nahuli na,
Dahil ika'y napagod na,
Pursigidong itigil na,
At kalimutan ang iyong pagsinta.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Part 2 po ito nung maling tao. Parang sagot na po nung guy dun kay ate gurl ganun hahahaha.
Thank you po sa pagbabasa kahit na ang pangit naman hehe. Godbless po sa lahat!

Spoken Word TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon