𝑰𝒌𝒂𝒘 𝒂𝒕 𝑨𝒌𝒐

20 2 1
                                    

Kamusta?
Ikaw pala
Ikaw yung babaeng lagi kong nakikita
Ikaw yung laging masaya
Kahit na likod mo'y puno ng tama ng patalim at pana
Ikaw yung laging nakatawa
Kahit na humihikbi na
Ikaw yung laging nakangiti
Habang dinadama yung pighati
Ikaw yung may dala ng hapdi
Pero nagtitiis lagi
Ikaw yung gusto ng kumawala
Pero mga paa ay may kadena
Ikaw yung wala namang nagawang masama
Pero laging tema ng mga tsismosa
Lagi kang nasa kulungan
Kahit bukas naman ang pintuan
Ikaw yung malaya naman
Pero sinasakal ng lipunan
Kuntento't masaya
Pero unti unting hinuhusgahan
Nais mo lang naman
Na maging ibong malaya
Yung nakalilipad
Sa kung saan
Pero ayan ka na naman
Nagtatanong
At naghahanap ng mga sagot
At ika'y nababagot
Kasi kahit gano pa katagal
Ang igugol mong oras
Isa lang naman ang dahilan
Na hindi mo kailanman
Kayang isakatuparan
Kaya mo pa ba?
Kasi ako hindi na
Hindi ko na kayang patuloy kang tignan
Hindi ko kayang hayaan nalang
Kasi ako
Ay ikaw.

Spoken Word TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon