Maling Tao

1.7K 26 6
                                    

Hindi ko lubos na maunawaan,
Kung bakit patuloy akong nasasaktan?
Tuluyan na itong nawakasan,
Pero ang sakit ay nandito na naman,

Sakit na dulot ng labis na pagmamahal sayo,
Dulot ng patuloy na pag-iisip ko,
At hindi nanaising muling maranasan ito,

Isa lang ang gusto ko,
Yun ay ang madama ang pagmamahal mo,
Pero sadyang ito'y malabo,
Lalo na't siya'y narito,

Handa kong tiisin ang sakit nato,
Basta handa ka ring lumaban ng kasama ko,
Pero imposible ito,
Pagmamay-ari na niya ang 'yong puso,

At ano nga bang laban ko?
Mahal kita, OO,
Pero siya ang mahal mo,
Suko na ko,

Ito ang kinatatakutan ko,
Ang muling maranasan ito,
Ang muling pagkawasak ng puso ko,
Na dahil na naman sayo,

Ano pa nga bang magagawa ko?
Kung pagod na pagod na ito?
At ngayon ko nakita ang pagkakamali ko,
At yon ay ang magmahal ng maling tao.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Coming soon po ang Part 2 hehe. Itong unang part po ay part ng babae at yung susunod po ay yung nararamdaman naman lalaki. Thank you po! Godbless!

Spoken Word TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon