Nandito tayo,
Sa lugar ng tagpuan,
Nagsilbing silong sa ulan,
Minsan mo na kong naman pasagot ng oo,
Ika'y naging masaya ng todo,
Sino ba namang hindi?
Kung yung matagal mo ng nililigawan ay sumagot na sayo,
Literal na matamis yung oo,
Kasi ikaw na yung kumain ng tsokolateng dala mo,
Yung pagkaing akin dapat mismo,
Ayun hinati mo,
At di ka pa nakuntento,
Nahiya ka pa't nagtira ng ilang piraso,
Di mo naman sinabing ganto yung gagawin mo,
Parang yung tsokolateng minsan mo ng ninamnam,
Minsan mo na kong inubusan,
Tapos bigla mong pagsasawaan,
Dahil lang sa nasobrahan,
Sobra kitang nasakal,
Pasensya na,
Masyado lang kitang minahal,
Ayoko lang mawala ka ng tuluyan,
Kasi baka di ko makayanan,
Alam ko kung anong simula nito?
Nagsimula to nung sinabi kong tigilan mo yang bisyo mo,
Nagalit ka,
Minsan na nga lang kamo,
Hahadlangan ko pa,
Hayaan nalang kamo kita,
Tapos ayun ang ginawa ko,
Hinayaan kita sa gusto mo,
Wala naman kasi akong magagawa kung yan ang gusto mo,
Mag-aaway lang tayo,
Sigurado,
At ayokong mauwi ang lahat sa pagsuko mo,
Ilang buwan ding ganun ang scenario,
Akala ko hanggang dun nalang yung bisyo mo,
Pero lumala na pala ng todo,
Ginagawa mo na pala kong tanga habang nakatalikod ako sayo,
Kasi iba't ibang babae na ang nilalandi mo,
Ilang beses na nga ba kitang nahuli,
Ilang gabing,
Iba't iba ang iyong kalantari,
Isa...
Dalawa..
Tatlo...
Hindi, higit pa ata,
Pero wala kang narinig na kahit na anong salita,
Tanggap ko pa,
Basta ba katabi pa din kita pagsapit ng umaga,
Yung ikaw at ako ang mahalaga,
Kahit ga'no pa kasakit,
Ikaw pa rin ulit,
Tapos nagdesisyon ka na,
Eto nga ba,
Ang matagal ko nang nararamdaman 'di ba,
Sumoko ka na ng tuluyan,
Nais mo nang wakasan,
Ang ilang buwan nating pinagsamahan,
Ika' y tuluyan ng lilisan,
Ako'y iyo nang kalilimutan,
Hindi ko pa rin maintindihan?
Ako pa ba'y nagkulang?
Hindi pa ba sapat yang dahilan?
Kasi naubos na ko ng sagad,
Tapos para sayo wala lang,
Hinayaan kong damhin ang sakit,
Yinapos ko pa ng mahigpit,
Kahit na unti unti na kong naiipit,
Hindi ako sumuko o lumisan kahit saglit,
At kahit ika'y bumalik,
Handa akong tanggapin ka ulit,
Dahil kahit masakit,
Basta ikaw ay nasakin ulit,
Wala na kong pake sa sakit....
Hi guys! Kamusta kayo? Sorry ngayon lang ako ulit nakapag-ud. Godbless y'all