Ating Ama

1.7K 31 1
                                    

Diyos Ama,
Lumikha sa bawat isa,
Ngunit, bakit tila tayo'y nakalimot na?
At naaalala lang Siya pag may problema,

Problema,
Lahat ng tao'y mayroon niyan, ngunit iba iba,
Pwedeng sa kaibigan, pamilya o kasintahan,
Ngunit sisihin siya'y tila hindi makatarungan,

Siya,
Na tanging hangad ang mapabuti ka,
Siya,
Na tanging hangad ang lumakas at tumatag ka,
Subalit kabaliktaran ang ating nakikita,

Iniisip mong kasalanan Niya,
Iniisip mong gumaganti Siya,
Bakit? Dahil alam mong makasalanan ka,
Subalit ba't gaganti Siya?
Kung pagpapatawad ang una sa bokabularyo Niya,

Oo,
Minsan mga problema'y di mo kinakaya,
Pero naisip mo bang nandyan lang Siya,
Hinihintay na lumapit ka,

Mahirap kalabanin ang problema,
Lalo na kung nagpapanic ka,
Kaya nga nandyan Siya, handang tulungan ka,

Wag mong kalimutan ang Diyos Ama,
Palaging andyan siya,
Nakabantay at nakaantabay sa bawat isa,
Tumawag ka lang sakanya,
Siguradong ligtas ka.

Spoken Word TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon