Bahay Kubo/Harana

85 3 2
                                    


Andito ko sa kubo,
Nakasilip sa bintana ng aking munting kwarto,
Ako'y namamangha habang nakatingala,
At sinisipat ang mga tala,
Humihiling na sana ika'y makita,
Managinip mang nakadilat ang mga mata,
Ako'y napabuntong hininga,
Napaisip na,
Ganto na nga lang ba?
Napayuko ako't ika'y aking nakita,
Ika'y nakapolo,
Nakasarado hanggang ang pang-huling butones nito,
Nakatayo pa't ayos na ayos ang buhok mo,
Nagmuka kang pari sa itsura mo,
Di ko maiwasang mapatawa ng mahina,
Napansin ko sa mga kamay mo ang hawak mong gumamela,
At ang tsokolateng paborito,
Hindi ko napansin ang barkada mo,
Andyan pala sa likod mo't ika'y suportado,
May hawak pang gitara,
Nagmuka tuloy kayong banda,
At ako ang pinakaswerteng dalaga,
Dahil maririnig ko ang inyong harana,
Nagsimulang gumalaw ang mga kamay niya,
At dun sumilip ang mga ngiti mong kanina ko pa inaasam na makita,
Nagsimula kang kumanta,
Sumayaw naman ang iba mo pang kasama,
Malawak ang ngiting nakapaskil saking muka,
Kung ako ma'y nananaginip, wag na sana akong magising pa,
At dun nakita ko si mama't papa,
Nakatayo't magkayakap sa lilim ng punong acacia,
Halatang botong boto talaga,
At gustong gusto ang 'yong ginagawa,
Nakangiti na tila sinasabing "oo" ang isagot ko,
Di naman nila kailangang gawin yun,
Dahil yun talaga ang balak ko,
At walang makapipigil sa pag-iibigan nating malapit ng mabuo,
Umpisahan na natin ang kwento,
Gusto kong maging isang libro ito,
At yun ay ipababasa ko sa mga anak natin, mahal ko,
At maging sa mga apo.

Spoken Word TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon