Sinabi mong mahal mo ko
Pano kung pareho na pala tayo?
Di ko lang masabi sayo
Di ko lang maamin ang nararamdaman ko
Baka kasi bumalik sakanya yung feelings mo
Di ko mapigilan
Hindi ko mahindian
Saksi kasi ako sa halos ilang buwan niyong pinagsamahan
Hirap akong maniwala
Hindi sa wala akong tiwala
Pero parang ganun na nga
Nung kayo pa kasing dalawa
Sobrang perperpekto yung nakita ko
Pano yung ikaw at ako?
Pano yung tayo?
Isang basura ganon?
Sa tuwing nandito siya
Di ko magawang kumalma
Oo walang tayo
Pero mahal ko
Natatakot ako
Natatakot akong baka bukas, sa isang araw, o sa isang linggo
Biglang mawala kita
Ako pa naman yung tipo ng taong, tamang hinala
Radar ko'y malakas
Mukang manhid sa labas
Pero nandito
Nandito lahat sa puso ko
Kinikimkim ko
Nasasiksik sa utak ko
Isa lang ang alam ko
Ayokong mahulog sayo
Dahil alam kong masasaktan lang naman ako
Sa lahat ng taong minahal ko
Sakit at kirot lang ang bagsak ng pagmamahal ko
Puro kasi ako landi at harot
Hindi ko mapigilang ikumpara yung siya at ako
Kasi siya, higit siya
Higit na maganda
Higit na matalino
At lalong higit na perpekto para sayo
Titigil na muna ako
Iintindihin ko muna pag-aaral ko
Binibigyan kita ng pag-asa
Kung ako pa din hanggang pagtungtong natin sa ikalawang taon sa kolehiyo
Babalik tayo
Babalik tayo para ituloy kung anong meron tayo
Itutuloy natin to
Pangako sayo........
Thanks sa 10k reads. 9/28/19. I'll take note of this day. I love you all guys. Thanks for your support, keep reading and voting. Godbless