Sira

725 11 0
                                    

Isang dalaga,
At binata,
Itinadhana,
At naging masaya pagkatapos ng problema,

Dalaga'y nasira,
Dahilan ang tadhana,
Ito'y mapaglaro talaga,
At wala nang nagawa,

Di na kinayang umiwas,
Pinagkrus na ang mga landas,
Kaya't buong pusong hinarap,
At tinalikuran ang pangarap,

Inakalang dulot ay maganda,
Isinawalang balaha na talaga,
Kasiyaha'y nalimot na,
Pighati't luha ang dala,

Ang binata,
Sinilaw ng laman,
Nagpadaig sa kalaswaan,
Nahulog nang dahil sa kalandian,

Parehong nainggit,
Parehong nainip,
Kaya't naghanap ng pilit,
Ngayo'y harapin ang pasakit,

Nagtagpo kayo,
Mga panahong sira kayong pareho,
Sumubok ng mga bagay,
Na nagawa niyo na sana kung kayo'y naghintay,

Nagsalubong sa hulihan,
Kung saan malapit ng magsukuan,
Di nagpatinag sa dahilan,
At pinagpatuloy ang nasimulan,

Sinubukang buoin ang sira,
Pero hindi nagawa,
Pareho pala kaming sirang sira,
At napagtantong wag nang ibalik ang dating itsura,

Pwede namang magsimula tayo,
Yung bago at totoo,
Walang lokohan,
At purong katapatan,

Di mo naman kailangang buoin ang nasira ng iba,
Hanapin mo ang pirapirasong siya,
At pag nahanap mo na,
Dun mo siya gawing kakaiba,

Baguhin mo siya,
Suportahan mo siya,
Samahan mo siya,
At higit sa lahat mahalin mo siya.

Spoken Word TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon