Pagal na pagal na ang puso,
Dito sa mundong,
Tila lagi akong talo,
At walang katiting na pag-asang manalo,Ito'y isang laro,
Subalit tila ito'y isang gulo,
Gulong, gumulo sa buhay ko,
At lakas lang ng loob ang kailangan para manalo,Mangyayari kaya ito?
Kung pagod na ako,
Sa laban ng buhay ko,
Kung kahit kakampi, wala ako?Ano nga bang dahilan nito?
Noon tila ito'y perpekto,
Masaya ako,
Pero ngayon sirang sira na ito,Isa lang ang hiling ko,
Sana may isang taong maintindihan ako,
Sana matapos na 'to,
Dahil sapat na 'to,Sapat na 'to para tumigil ako,
Sapat na 'to para maunawaan ko,
Maintindihang talo talaga ako,
At hinding hindi mananalo.