Bilog

50 1 0
                                    

Bilog ang mundo
At umiikot ito
Wag kang maniwalang ikaw ang mundo
Kasi di ka naman mundo
Isa kang tao
At nararamdaman ko
Malapit na namang maging tanga to
Kaya ngayon palang welcome sayo
Wag kang magpauto
Sa mga biro
Sa mga salitang parang totoo
At galing sa puso
Dahil baka pagsisihan mo
Ang unti unting pagbagsak mo
Kasi baka isa palang istratehiya
Para malugmok ka
At bumaon sa lupa
Ang naipon na lakas
Para sana makaahon pa bukas
Kaya habang maaga pa
Habang nasusungkit pa kita
Kumapit ka
At makinig ka
Kasi di naman ako gagawa ng ikakasira nating dalawa
Naranasan ko ng maging mundo ng isang tao
Masaya sa una
Kasi nga mundo ka
Special ka
Sabay pa yung ikot niyong dalawa
Pero sa pag lipas ng panahon
Mararamdaman mong parang ikaw nalang umiikot mag isa
Ikaw nalang yung gumagawa ng paraan para mabuhay ka
Tapos unti unting itutulak ka niya
Sa itim na butas
Na hihila sa iyong enerhiya
At wawasakin ka
Wawasakin ka
O kaya nama'y maging sanhi ng pagsabog mo mag-isa
Pagsabog mag-isa
Ayoko ding maging bola ka
Na patatalbugin at ipapasa
Sa mga tropa
At lalong maging elesi
Na paiikutin
Hanggang uminit
At kusang huminto sa pagkairita
Katol
Na habang tumatagal
Nauupos
Nauubos
At naghihikahos
At baka di na makaahon
Orasan
Na paulit ulit na naiipit
Naiinip
Sa mabagal na pag-ikot ng mga kamay
Patuloy na nag-aantay
Gulong
Na hindi sigurado
At nadadaan lang sa tyempo
Kung ikaw ay nasa taas
Ikaw ay siguradong panalo
Habang yung naiwan ay lubog
At talo
Plato
Na na delikado
Dahil pag bumagsak
Basag
At di na kayang ibalik ng salitang patawad
Kaya't makinig ka
Kasi ayokong maging katulad kita
Gusto kong matuto ka
At pumalag na sa kapit ng taong sisira sa mundo mo.

Spoken Word TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon