Magtitiis
Kahit na ang tibok ng puso ay mabilis
Di dala ng kilig
Di dahil sa pag-ibig
Pero dahil sa sakit
Sobrang pait
Ako na lang ay pipikit
At ititikom ang bibig
Titingin sa dingding
Isisipin
Babalikan ang mga alala
Mula sa umpisa hanggang sa huling alala na ikaw ang kasama
Napapangiti
At hagikgik
Kasabay ng pagpatak ng luha
Mga plano
Na di na matutupad
Mga pangarap
Na ako na lang ang bubuo
Baka sa susunod na buhay
Sa ibang panahon
O taon
Sa ibang probinsya o bansa
Kahit makarating tayo sa ibang planeta
Ikaw at ikaw ang pipiliin ko
Kahit pa maging langgam o ano mang hayop pa tayo
Ako'y lumuluha
At nagluluksa
Di dapat ikaw ay mawala
Wala pa tayong nauumpisahan
Kinuha ka na niya agad
Wala na kong magagawa
Kundi manalangin nang ingatan ka niya
At ika'y maging masaya
Baka sa susunod na panahon
Ikaw at ako na ang laan
At isa lang ang dapat mong puntahan
Ang puso kong matagal ng walang naninirahan.
