Sa isang relasyon kailangan ng tiwala
Syempre pati ng maniniwala
Pag sinabi kong mahal kita
Maniwala ka
Kasi di ko ugaling sambitin ang salitang mahal kita kung dahil lang sa wala
Mahal kita
Mahal kita sa kung ano ka
Mahal kita sa kung pano kita nakilala
Teka hayaan mo kong kumanta
🎶Ikaw na ang pinakagwapo na binata saking mata🎶
Oo na
Hindi na ikaw yung nasa taas ng listahan
Wala akong pamantasang susundan
Basta para sa mga mata ko, ikaw lang naman
Mga mata mong singkit
Balat mong medyo itim
Ewan ko ba
Normal lang to
Pero para sakin, ika'y perpekto
Mahal kita dahil mahal kita
Hindi ko din alam ang dahilan
Basta!
Bigla ko nalang naramdaman
Mahal kita
Lagi mo yang tatandaan......
Iloveyou guys😍😍 sobrang thank you sa 7k reads natin. Di ko ineexpect to, I'm so overwhelmed😭❤️❤️Godbless iloveyouuuu