Bahaghari

1.1K 16 0
                                    

Mundo ko'y makulay,
Ito'y puno ng buhay,
Katulad ng bahaghari sa kalangitan,
Pagkatapos ng ulan,

Dito satin,
May dalawang panahon,
Isang tag-araw at ...
Isang tag-ulan,

Tag-araw...
Ang pinakamasasayang araw,
Puro galaan, kantahan at sayawan,
Meron ding sagutan at sakitan,

Dito ka makakahanap ng mga tao,
Mga bagong taong,
Pwedeng umalis o manatili sa tabi mo,
Pero madalang lang yung laging andyan para sayo,

Gaya nalang ng mga kalandian mo,
Harutan, landian,
Puro kayo ganyan,
Pero ano nga bang meron sainyo?
Ano nga ba kayo?

Tapos ayan na si ulan,
Unti-unting dumidilim ang kalangitan,
Kasabay ng pagdilim ng kung anong meron kayo,
At ang paglabo ng mga mata mo,

Tapos ayan na talaga siya,
Ito yung panahong nalulunod ka na,
Kasi kasabay ng bagyo,
Yung mga luhang ayaw paawat sa pagtulo

Kagaya ng ulan,
Ambon muna bago lumabas yung tunay na kalakasan,
Ganun din yung puso mong hindi na alam ang nararamdaman,
Ok lang naman, pero hindi na maintindihan,

Daig mo pa yung gripo sa kaiiyak mo,
Ano bang magagawa ng mga hagulgol mo,
Wala naman diba,
Mabubulabog lang yung kapitbahay niyo,

Buti andyan bespwend mo,
Laging nakaalalay sayo,
Yung bagyo dahan-dahang tumitigil na,
At ayan na siya,

At dun muling makikita mo,
Ang kagandahan ng mundo,
At ang mga kulay nito,
Na nandun sa bahagharing nakatunghaw sayo.

*********************************

Lame to, i know. Ganyan ata talaga pagbored ka ahahahaha.

Spoken Word TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon