Mata

170 5 0
                                    

Sa mata ng karamihan,
Ikaw ay isang kasinungalingan,
Maraming haka haka,
Maraming panghuhusga,

Di ko maiwasang isipin,
Bat ganun sila?
Di ba nila kayang maging masaya?
Sa kung anong meron tayong dalawa

Madaming sinasambit,
Nakikinig tayo ng nakapikit,
Di natin kayang tanggapin,
Ang kung ano anong kanilang sasabihin,

Masyado silang nega,
Naiingit lang sila,
Kasi tayo masaya,
Tapos sila, iniwan, niloko o kaya nama'y mag-isa,

Nangangamba ka,
Kasi naririnig mong hindi daw tayo ang para sa isa't isa,
Pero wag kang mag-alala,
Kasi wala naman akong paki sa kanila,

Ikaw at ako lang ang mahalaga,
Ikaw na mahal ako,
At ako na mahal ka,
Hindi napapako ito, Pangako,

Mahal na mahal kita,
Gusto kong katabi ka,
Araw gabi,
Maging sa takip silim,

Ang pagmamahal ko sayo ay parang baga,
Mawala man ang apoy ay tuloy tuloy paring magiinit,
Kaya halika na,
Sabay nating itapon ang mga pangamba,
Wag nating salubungin ng masaya,
Hayaan nating lumagpas siya,
At maging masaya,
Basta ang mahalaga nandito tayo,
Magkayapos na sasalubungin ang mga taong lilipasan natin.

.......

Myghad! Di na ko sanay magsulat huhu

Spoken Word TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon