Nung makilala kita,
May nag-iba,
Ang aking labi,
Kusang ngumingiti,
Nakatulala sa kawalan,
Dalawa lamang ang nasa isipan,
Ikaw,
At ang yong mga larawan,
Di ko na maintindihan pa to,
Kasi pag andito ako,
At nandyan ka sa malayo,
Nalulumbay ako,
Tila ba sumasakit ang puso,
Nakakapagtaka nga lang kasi di naman tayo,
Wala namang tayo,
Pero...
Nababaliw ako sa mga ngiti mo,
Yung tipong humihinto yung mundo ko,
Parang nasa shooting ng isang korean novela,
Kung saan solo kita,
Yung labi mong mapula,
Anong lambot kaya ang dala?
Ayoko na,
Baka mahalay kita,
Dimples na kay lalim,
Nagdadala ng sobrang kilig samin,
Para kaming bulateng inasinan,
Nagsisinginigan,
Kaya sana naman,
Wag kang masyadong ganyan,
Nahulog na kaming lahat,
Sino kaya samin ang mauunang magtatapat?
Pagmamahal sayo'y wagas,
Ikaw lang ngayon pati bukas,
Wala na itong wakas.
