Meron akong kwento,
Kwentong nakapaloob sa isang tulang akda ko,
Tulang galing sa puso,
Alay sayo, sinta ko,Sa iyong pagngiti,
Mga mata mo'y lumiliit,
Ito'y isang napakagandang tanawin,
Kaya 'di ako nagdalawang-isip nung ika'y mahalin,Para kang hangin,
'Pag nawala ka'y 'di ko kakayanin,
Ang hininga ko'y kakapusin,
Nais nalang na ika'y yapusin,Mahal, minsan may mga luha
Na unti-unting lumalandas sa aking mga mata,
Dahil sa aking mga takot at pangamba,
Pero, 'wag kang mag-alala,
Hahayaan naman kitang pawiin ang sakit na nadarama,Alam mo,
Sa mundo ko,
Merong ikaw lang at ako,
Wala na kong paki sa mga taong nandito,
Ang mahalaga, narito ka sa tabi ko,Hindi habang buhay tayo'y nandito,
Kaya ngayon palang,
Hayaan mo kong sulitin ang oras na to,
Baka kasi biglang mawala ka sa tabi ko,
P'ano na ko?Mahal ko,
Ngayon hayaan mong sumumpa ako,
Susumpa akong ikaw lang ang tanging mamahalin ko,
At siguradong ito'y totoo,
Sino pa ba namang hihindi sayo?Ika'y perpekto,
Iyong mukang bilugan,
Mga mata mong kay sarap titigan,
At ang mga labi mong kasing pula ng pakwan,Sa isip ko,
May nabuo na kong mga scenario,
Merong ikakasal daw tayo,
Pati yung matatanda na' t naaaliw sa mga apo,
Tapos may tugtog tayo,
Yung kantang 'Kahit Maputi na ang Buhok Ko'Kaso di ko maalis ang takot sa sistema ko,
Mga baka na, baka lang,
Baka may iba,
Baka mahal mo pa siya,
Baka ikaw pa yung para sa kanya,
Puro baka,Di ko na kaya ang mga gumugulo,
Dapat yatang ika'y harapin ko,
At nang malaman ko na ang totoo,
Natuwa ako sa mga naging sagot mo,Ngayon nalaman mo ang laman ng isip ko,
Hindi lang pala ako ang nakararamdam nito,
Kaya't sinabi mo,
Na pati sa panalangin mo kasama ako,
Sinambit mong hanggang kamatayan mo,
Ako't ako lamang ang laman ng 'yong puso......
Project namin sa filipino. Nyahahahhah
