MAY NGITI sa mga labi ni Alex habang naglalakad papunta sa Gym ng School, Excited na siyang makasama si Zac. Ilang araw na kasi na hindi sila nagkikita, kadalasan sa text o chat lang sila nagkakausap.
Gusto niya sanang makausap si Zac ngayong araw mismo, kakatanggap lang kasi niya ng e-mail galing sa unibersidad na gusto niyang pasukan, pinalad na nakapasa siya sa entrance exam at requirements na lang niya ang hinihintay para maka-enroll na siya. Gusto niya na si Zac ang unang makaalam ng magandang balita, ni hindi pa nga alam ng mga magulang niya.
Si Zac lang naman kasi ang nagpakahirap sa pagtuturo sa kanya bago siya kumuha ng exam at gusto niya na ito ang unang-una sa listahan ng mga taong magiging masaya para sa kanya.
"Zac!" Masiglang bati niya sa kasintahan kahit nakatalikod ito sa kanya, tanaw niya ang mabilis na pagtipa nito sa hawak na cellphone. Sino kayang ka-text nito? Hindi napigilan ni Alex ang magtaka, kilala niya si Zac, hindi ito madalas gumamit ng cellphone. Kapag may emergency lang o kaya naman kapag may importante itong sasabihin sa kanya. Hindi kaya.. Ipinilig ni Alex ang kanyang ulo. Ano ba 'tong iniisip niya? May tiwala siya sa kasintahan, alam niyang hindi ito magtataksil. Bakit ba pumasok 'yon sa isip niya?
Katatapos lang ng practice ni Zac at nasisiguro niyang libre na ito ngayon. Nagsi-alisan na rin ang mga kasama ni Zac sa basketball team, siya at ang binata na lang ang naiwan sa Gym.
"Zac!" Tawag niya ulit sa pangalan nito nang hindi siya nito lingunin. Sa pagkakataong ito, hinarap na siya ng nobyo. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang madilim nitong mukha. Bahagya siyang napaatras, hindi niya inaasahan ang reaksyon na iyon mula kay Zac.
"Ayoko na Alex! Layuan mo na ako! Sagabal ka lang sakin!" singhal ng lalaki sa kanya. Hindi pa siya tuluyang nakakalapit nang sigawan siya nito. Nakakunot ang noo at matalim ang mga tingin sa kanya. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang apoy ng pagkamuhi.
May nagawa ba ako?
"B-bakit? Zac? Anong nagawa ko?" Pinilit ni Alex na pigilan ang pagbuhos ng luha dahil sa nararamdaman niyang lungkot at takot sa mga sandaling iyon pero bigo siya. Lungkot dahil sa mga salitang binibitawan ng binata at takot na baka iwan na talaga siya nito. Traydor ang mga luhang nakatakas sa kanyang mga mata. Nanginginig ang buong katawan niya at pinagpapawisan siya ng malamig. Hindi niya alam kung anong nangyayari kay Zac. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ito umaasta ng ganito. Isa lang ang sigurado siya, hindi niya kakayanin 'to. Unang boyfriend niya si Zac at desidido na rin siya na ito ang gusto niyang maging huli.
Zac? Ikaw ba talaga yan?
Hindi niya alam kung bakit biglang nag-iba ang pakikitungo ng lalaking ito sa kanya.
....ng lalaking mahal nya.
Ilang araw nang malamig ang pakikitungo nito sa kanya, pinagsasawalang bahala niya Lang, iniisip niya na baka pagod lang ito.
"Seryoso ako sa sinabi ko sayo kagabi. Tapos na tayo. Ayoko na." Halos bulong lang Ang pagsambit nito habang tinatapunan siya ng malalamig na tingin. Sinabi nga ni Zac na gusto na nitong makipag-kalas pero sa text lang kaya inakala niyang biro lang iyon. Prank kumbaga... Prank na lagi nitong ginagawa sa kanya.
Nakatingin siya ng diretso sa mga mata nito kahit malabo na ang paningin niya dahil sa mga luhang nagmamalisbis sa kanyang mga mata, kita pa rin niya ang blanko na ekspresyon sa mukha ni Zac.
Bakit ba siya nagagalit sakin?
"Sagutin mo ang tanong ko Zac! Please.. P-please.. Sabihin mo sa 'kin kung bakit.." Humigpit ang pagkakahawak niya sa dala niyang paper bag na may lamang lunch box na ibibigay sana niya kay Zac. Pinaghirapan niyang lutuin 'yon para sana suyuin ang nobyo, pero mukhang masasayang lang iyon.
"Limang taon na tayong magkarelasyon.. Limang masasayang taon na, sasayangin mo na lang y--"
"Yon na nga, Alex eh! Limang taon na kitang pinagtitiisan!" Tumalikod ito sa kanya hahakbang na ito palayo pero bago pa man ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Limang masayang taon?" Sarkastiko itong tumawa. "Ikaw lang ang naging masaya...
... Matagal ko nang gustong iwanan ka dahil sukang suka na ako sayo."
"Zac?"
"May nagugustuhan na akong iba, tigilan mo na ako." Pagkasabi niyon ay tuluyan na itong naglakad palayo. Iniwan siyang mag-isa sa malilim na parte ng malawak na espasyo sa likod ng school gym. Sinapo niya ang dibdib para damhin ang pusong unti-unting nadudurog habang pinagmamasdan ang papalayong likod ni Zac.
Iniwan na niya ako.
Lalo siyang naiyak sa katagang inilabas ng isip niya.
Napayakap siya sa sarili habang walang patid na binubuhos lahat ng luha na naglalaman ng purong kalungkutan.
Panghihinayang.
Nanghihinayang siya sa relasyong meron sila. Hindi niya akalain na sa ganitong paraan lang matatapos ang relasyon nila, ni hindi nga sumagi sa isip nya na maari pang maghiwalay sila.
Umasa ako.
Umasa siya na si Zac na ang una at huli, pero mukhang hindi na 'yon mangyayari.
Dahil mag-isa lang siya sa likod ng School Gym malaya niyang nailabas ang hagulgol na pilit niyang pinipigilan kanina. Pasigaw niyang iniyak ang sakit na nararamdaman, umaasang sa pamamagitan niyon ay maiibsan ang sakit pero mali sya.
Sobrang sakit talaga...
Iyon ang unang beses na nakaramdam siya ng ganon. Her first heart break, ganito pala 'yon kasakit. Parang ang bigat ng dibdib niya, hirap na hirap siyang huminga. Parang sinusuntok, sinasaksak, at sinasagasaan.
Sa loob ng limang taon na pinagsamahan nila kahit hindi aminin ni Zac, alam niyang naging masaya silang dalawa. Umasa siya na matutupad ang mga pangarap na binuo nila. Junior high pa lang sila pareho noong naging sila, naging maayos naman ang pagsasama nila. Pero biglang nag-iba ang pakikitungo sa kanya nito mga ilang linggo na ang nakakaraan. At wala siyang maisip na dahilan kung bakit.
'May iba na akong nagugustuhan.'
Sino kaya iyon?
Sa mga sandaling iyon, walang ibang laman ang isip nya kung hindi mga katanungan.
Bakit?
Anong ginawa ko?
Saan ako nagkamali?
May mali ba sakin?
May nagugustuhan na siyang iba?
Peke lang ba lahat ng ngiting pinapakita niya sakin?
Sukang suka siya sakin?
Totoo ba yon?
Bakit ngayon lang?
Bakit?
AN: hello readers! Please vote and comment 😊 promise di kayo magsisisi na in-add niyo 'tong story sa library nyo.
Thank you for reading! Enjoy!
BINABASA MO ANG
Lover Series: Ex [COMPLETED]
Fiksi UmumAlex X Zac |Matured Content Please wag po ireport.
![Lover Series: Ex [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/163834857-64-k709912.jpg)