SECOND chance, gusto sana ni Alex ng gano'n. Second chance para kay Zac, second chance para sa relasyon nilang dalawa.. second chance para sumaya. Pero may kulang pa rin eh.Hindi niya mabigay yung second chance dahil hanggang ngayon ay 'di niya pa rin alam ang rason kung bakit siya iniwan ng binata sa umpisa pa lang.
How can she move forward to the future if she hasn't finished solving her problems from the past?
Wala pa ring closure...
Though, oo, masaya siya ngayon sa piling ni Zac pero hanggang kailan sila mananatili sa ganitong sitwasyon?
Doubts... her mind is full of doubts.
Baka umasa na naman siya sa wala...
Baka iwan na naman siya..
Baka masaktan na naman siya..She sighed heavily as she continue to work. Inaayos na niya ang lay out design ng Black Paper na itatayo sa mga branch ng Olympus. May empleyado siyang nakaatas na gawin 'yon pero gusto niya pa rin makasigurado na maayos nga ang gawa nito. Her signiture design should still be present.
Nang makuntento sa disenyo na napili ng kanyang empleyado ay agad niyang pinadala iyon sa email address ng sekretarya ni Zac.
Aasikasuhin pa sana niya ang ibang papeles nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang kanyang tyahin na si Tita Lorna.
The middle-aged woman walks proudly towards her office table like she owns the place. She still looks beautiful despite her wrinkles and simple dress.
Si Tita Lorna, ang taong gumabay sa kanya noong nalugmok siya sa kalungkutan. Ang matyagang nagturo sa kanya kung paano magluto. Ang taong naging kasangga niya sa mga problema.
Tumayo siya at agad na sinalubong ng yakap ang ginang.
"Tita Lorna, napadalaw ka?-- aray!" Napangiwi siya nang bigla siya nitong batukan. "Ang sakit naman no'n, Ta!"
"Gaga! Kulang pa 'yan. Jusko gusto kitang ibabad sa asin para mawala 'yang kati mo sa katawan!" Napangiwi siya lalo sa lakas ng boses nito.
"Bakit, Tita? Wala namang makati sakin." Akmang hahampasin na naman siya nito kaya tumakbo siya palayo rito.
"Ikaw bata ka, ano 'tong nabalitaan ko kay Jason na may lalaki ka raw na pinapapasok sa opisina mo?" Pasinghal na tanong nito. Lalaki? Ohhh si Zac siguro?
"Pumasok lang eh.. OA naman ni Tita!" Para silang mga palengkera kung magsigawan sa loob ng kanyang opisina.
Ganito naman talaga silang mag-tyahin tuwing magkasama sila eh, puro sigawan.
"Susmaryosep, Alex. Baka pinasok ka na nyan ha?!" Natahimik siya at pinamulahan siya sa sinabi ng tyahin.
Opo, Tita. Sorry napasok na po niya ako huhu.
Nabalot ng kaba ang buo nyang pagkatao nang mapansin ang tyahin na dahan dahang umuupo na para bang nanghihina ito. Agad niyang hinagilap si Jason para pakuhain ng tubig.
"Tita Lorna, a-ayos ka lang po ba?" Kabang tanong niya habang hinahagod ang likuran nito saka tinutukan ng electric fan kahit may aircon na ang opisina niya.
Dumating naman si Jason na may dalang isang baso ng tubig na pinainom naman niya sa ginang.
Ilang minuto pa ang lumipas bago naging banayad ang paghinga ni Tita Lorna. Kapagkuwan ay malambot na ekspresyon ng mukha nito ang nasilayan niya.
"Alex, please lang. Ingatan mo na 'to" tinuro ng ginang ang dibdib niya kung nasaan ang kanyang puso. "Ayoko nang makita yung malungkot kong pamangkin.. ayos lang sana dahil mahal mo talaga siya pero wag mo ibuhos lahat. Magtira ka rin para sa sarili mo."
BINABASA MO ANG
Lover Series: Ex [COMPLETED]
Narrativa generaleAlex X Zac |Matured Content Please wag po ireport.