TATLONG linggo nang wala si Alex, pero parang taon na lumipas para kay Zac.
Sa guestroom ng club ni Raver na siya nakakatulog, pag-gising naman niya ay iinom muli siya hanggang sa makatulog na naman siyang muli. Paminsan minsan naman ay pumupunta siya sa Black Paper para kulitin si Yuki na sabihin na nito ang kinalalagyan ni Alex. Tulad na lamang ngayon.
Seven am pa lang, kabubukas pa lang ng restaurant. Mag isa siyang nakaupo habang kinakalikot ang kanyang cellphone.
His Dad keeps on bugging him. Hindi matatapos ang araw nang walang tawag o text ng kanyang ama para sa kanya. Tulad na lang ngayon, tinatawagan na naman siya nito, agad niya iyong binaba.
He selected 45 text messages from his father and secretary then he deleted it all.
"Sir, 'yong nakagawian pa rin ba?" Tanong ng waitress na si Hillary. Tinutukoy nito ang pagkaing oorderin niya. Nasanay na ang mga staff sa kanya. Nakakakwentuhan niya rin ang mga ito minsan.
Tumango siya. "Oo, 'yong dati pa rin." Pagkasabi niya no'n ay umalis na ito. Ilang saglit pa ay bumalik na ito dala ang strawberry flavored pancake na may chocolate syrup at isang tasa ng kapeng barako na lagi niyang inoorder tuwing pupunta siya.
Kahit mabigat ang dibdib ay nagawa pa rin niyang ngumiti nang makita ang kulay pink na pan cake. Sabi kasi nila Hillary ay kay Alex daw ang ideya na gawing strawberry flavor ang pancake. At sobrang natural ang pagproseso niyon dahil hindi ang mga ito gumamit ng strawberry powder o extract, mismong strawberry ang nilalagay ng mga ito doon.
Eating this pancake is like eating a food that Alex prepared.
Kahit man lang sa ganitong paraan ay nararamdaman niya ang presensya nito. Kinain na niya ang pagkaing nakahain pagkatapos ay muling naghintay.
"Zac, umaalingasaw na 'yong katawan mo. Maligo ka nga!" Maarteng komento ni Yuki. Nagtakip pa talaga ito ng ilong.
"Grabe ka naman, si Hillary nga hindi nagrereklamo eh."
"Syempre, customer ka. Pero ibahin mo 'ko, Zac. Hindi customer ang tingin ko sa'yo." Pagtataray pa nito. Sa tatlong linggo ng pag balik-balik sa Black Paper ay napalagay na ang loob ni Yuki sa kanya. Kaya nga wala na itong preno sa pagsasalita sa kanya.
"Sabihin mo na kasi sakin kung nasa'n si Alex." Pangungulit niya.
"Heh!" Humalukipkip ito. "Kailan ka ba aalis? Baka umalis ang mga customer dahil sa baho mo?"
Natawa naman siya sa pantataboy nito. Ganoon na ba siya kabaho para umalis ang ibang mga customer?
"Luh hindi naman, Yuki. Oo amoy alak si Sir pero hindi naman mabaho. Amoy mint nga siya eh." Singit naman ni Hillary. Inabutan siya nito ng isang baso ng tubig.
"Hay, basta para sakin mabaho siya." Pagpupumilit pa ni Yuki. Nakita naman niyang kinurot ni Hillary si Yuki sa tagiliran, mukhang close ang dalawa.
"Jontis ka mamsh?" Natatawang kinurot pa nito ang puson ni Yuki.
"G-gaga!" Uutal utal na singhal nito. Nginitian naman siya ni Hillary bago ito muling umalis para asikasuhin ang ibang customer.
"I understand the 'mamsh' but what does jontis means?" Inosenteng tanong niya.
Namula naman ang mukha ni Yuki. "Ch-chismoso! Dyan ka na nga!" Nagmamartsang iniwan siya nito.
Ano ba yung jontis?
SINESERMONAN na naman siya ni Keen. Nakabalik na siya sa club at naabutan niya doon si Keen na binubungangaan si Raver pero no'ng nakita siya nito ay siya naman ang pinag-initan.
BINABASA MO ANG
Lover Series: Ex [COMPLETED]
General FictionAlex X Zac |Matured Content Please wag po ireport.