CHAPTER 21

9.1K 172 4
                                    

ALEX can feel the cold breeze as it surrounds the whole place. She was wrapped by a thick blanket which gives her warmth. While forcing herself to eat chocolate chip cookies, a cup of hot chocolate is on the side, she loves these treats but she's not enjoying it now.

Her head turns to face the window, there she saw her brothers outside. Shoving the thick snow away from the pathway, minutes later, her brothers dropped their shovel and starts to throw snow balls at each other.

She smiled at the scenery. At least, they could forget their problem by playing a little bit.

A warm set of arms wrapped around her from behind then she felt a sweet kiss on the side of her forehead. She faced the person who did that. "Mama."

"Oh 'nak, hindi mo na naman inubos yung binigay ko sayo." Her mother mumbled while staring at the chocolate chip cookies.

She shook her head. "Wala po akong gana." She stare at her brothers again.

"Buti naman ngumiti ka na." Her mother said sweetly. "Simula nang dumating ka dito, lagi kang tahimik at laging malungkot ang itsura mo." Her mother sighed.

"M-may problema po kasi ako, Ma." She confessed. Alex forced herself to be calm.

"Alam ko, 'nak. Kahit 'di mo sabihin, alam kong may problema ka. Nanay mo 'ko kaya ramdam ko pag may mali sa'yo. At alam ko rin kung ano itong pinoproblema mo." Her eyes held confusion as she stares back at her mother. Alam niya?

Her mother giggled "Oo, anak alam ko." She held her hands. "Buntis ka 'di ba, anak?" Her eyes widen in shock. She didn't tell anything about her pregnancy to anyone except Yuki.

"Ma, p-paano---"

"Anak, naging nanay din ako." She cut her words off by saying those like its the answer to all of her questions.

"Ilang araw ka nang late gumising 'yon pala puyat ka dahil nagigising ka nang madaling araw pag naduduwal ka. Nagiging mapili ka na rin sa pagkain, tulad nito." Iniangat nito ang platito na naglalaman ng mga cookies. "Paborito mo 'to pero 'di mo man lang ata ginalaw. Tapos yung green bell pepper dati ayaw mo no'n pero nung isang araw nakita kitang pinapapak 'yon nang patago." Tumawa ang ginang nang tila may maalala ito. "Tapos nilalayuan mo si kuya Alexander mo dahil sabi mo mabaho yung pabango niya."

Humalukipkip siya. "Mabaho naman talaga, Mama. Hindi nyo ba naaamoy?"

Umiling iling ang mama niya. "Hindi naman siya naglalagay ng pabango pag nandito siya sa bahay. Ayaw mo lang talaga sa amoy ng kuya mo."

Napaangat ang dalawa niyang kilay. Wala pa lang pabango si kuya.

Naputol ang pag-uusap nilang mag-ina nang pumasok na sa loob ang dalawa niyang kapatid.

Pinanood niya ang mga ito na hubarin ang mga suot na makakapal na jacket at bonet. Nagpagpag pa ito ng iilang snow na natira sa mga damit nito bago napadako ang mga mata nito sa kanilang mag-ina.

"Bakit, bunso?" Tanong ng kuya Alexander niya.

"Maligo ka nga, kuya." Sagot niya kapagkuwan ay tumayo na bitbit ang platito at tasa papunta sa kusina.

"Mabaho ba 'ko?"

"Oo, ang baho mo!" Ang kuya Alexandro niya ang sumagot sa tanong nito.

"Gago!, kahit malamig naligo ako kanina. Baka ikaw yo'ng mabaho, Xandro." Napangiti na lamang siya sa narinig.

She's finally home.

With her family. She's not alone anymore but... she still feel incomplete.

   
  
  
THREE weeks has passed. Her baby bump is showing but it's still small.

Lover Series: Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon