CHAPTER 23

9.1K 164 6
                                    

TAHIMIK na nakasakay sa kotse si Alex habang umaandar iyon pauwi sa bahay na tinutuluyan nila. Ang kuya Alexander niya ang sumundo sa kanya sa Ospital, si Ate Joyce naman ang pumalit sa kanya sa pagbabantay kay Aj.

"Bunso, kain ka na habang bumabyahe tayo." She crossed her arms before turning her gaze outside the window of the moving car. She's mad at him! She's mad at her brothers and Papa. They kept on ordering her to do things that she doesn't want to do.

Like for example, this afternoon her father told her to buy some new blankets for Aj so she did, she was about to bring it in Aj's room but the nurse stopped her because they are not allowed to bring such things in the ICU. Aj is too sensitive and the blanket may trigger his Asthma because of its fuzzy fabric. She got very mad because of that.

Napahiya kaya siya!

Then later, her brother Alexandro begged her to do this 'favor' of calculating the average of his daily sales. Her brain almost drained out because of that freakin' math calculations. It took her hours before she finished that.

And now, she's tired and very hungry but her very smart brother drove their car to Jollibee which took them an hour and a half before they got her order.

Eleven pm na!

She should be asleep four hours ago. Bawal siyang mag puyat.

Oh my God! My baby!

Mabilis na kinuha niya ang mga pinamili saka inilabas lahat ng inorder niya.

Two-piece chicken joy, one Jolly spagetti, one Jolly hotdog, one yum burger, two large fries, hot Choco and of course three orders of her favorite Burger steak.

Agad niyang binuklat ang isang box ng Burger Steak.

Napapikit siya habang nginunguya ang masarap na karne sa kanyang bibig. "Mmm. Sarap!"

"Penge ako, bunso." Nagpapaawa pa ang kuya niya pero hindi siya natinag.

"Heh! Ginutom mo kami ng baby ko!" Sigaw niya saka pinagpatuloy ang pagkain.

"Uubusin mo lahat 'yan?" Anito habang nakatitig sa mga pagkaing nakalatag sa dashboard.

"Oo, bakit? Angal, kuya?"

Napailing na lang ang kuya niya.

Matapos ang ilang minuto ay nakauwi na rin sila. Hindi niya naubos ang mga pagkaing binili niya, may itinira siyang dalawang burger steak, large fries at yum burger.

Nang huminto ang kotse ay hindi na niya hinintay pa na pagbuksan siya ng pinto ng kanyang kuya. Naglakad na siya palapit sa kabahayan ngunit natigilan din kapagkuwan.

Mayroon kasing lalaki na nakatungo habang nakaupo sa sahig sa labas ng kanilang bahay. Halos mabalutan na ito ng yelo kaya masasabi niyang kanina pa iyon nandon. Ngunit hindi kayang tanggapin ni Alex na pamilyar ang hubog ng lalaki.

Pamilyar na pamilyar at hindi siya pwedeng magkamali. Nanunubig ang mga mata niya kasabay ng pagngatal ng kanyang mga labi.

"Zac!" Tawag niya sa pangalan nito pero hindi ito nag-angat ng tingin kaya naman agad niyang tinakbo ang kanilang distansya at inalo ito.

Binalutan niya ito ng kanyang mga bisig. Maputla na ang gwapong mukha nito at halos mangitim na ang labi at mga daliri.

"Kuya! Kuya tulong!" Tinawag niya ang kanyang kuya.

"Tangina! 'Di talaga siya umalis?" Sinamaan niya ito ng tingin. Alam na pala nito na dumating si Zac pero hindi man lang sinabi sa kanya.

Hindi na muna niya aawayin ang kuya niya, mas mahalagang madala muna si Zac sa Ospital. Nagpatulong siya sa kuya niya na buhatin si Zac kapagkuwan ay isinakay sa backseat ng kotse. Tinabihan niya ito para mabigyan ng init kahit papaano.

Lover Series: Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon