CHAPTER 25

10.3K 205 5
                                    

ALEX sipped her formula milk like its the most disgusting drink she'd ever tasted. Iyon ang gatas na nireseta sa kanya ng doctor, at kailangan niya daw inumin 'yon araw-araw. Kahit 'di niya gusto ang lasa no'n ay pinipilit pa rin niya ang sarili. Para naman kasi sa magiging anak niya iyon.

Patago niya rin na iniinom 'yon, gusto niya kasing sopresahin si Zac tungkol sa pagbubuntis niya at ayaw niyang bigyan ito ng ideya.

Lalo na ngayon na wala na siyang pag-aalinlangan. Hindi na siya nababahala sa magiging reaksyon ni Zac, alam naman niya na magiging masaya ito.

She is so happy and there's nothing that could ruin her day.

Nasa isang Resort sila sa Palawan ngayon, inaya siya ng binata na magbakasyon doon. Hindi niya nga lang alam kung bakit bigla itong naisipan magbakasyon pero pumayag na rin siya.

Matagal na rin kasi mula noon nang huli siyang naligo sa dagat. Kaya 'di niya maiwasang ma-excite nang makita ang mga pictures ng resort. Ang maputi at ang pino na buhangin pati na rin ang asul na asul na langit, malinaw na tubig ng karagatan at dahil nga summer ay nakikisama ang mainit na panahon para sa mga gustong mag swimming at sumali sa mga water activities.

Nang makarating doon ay hindi siya nadismaya dahil napakaganda naman talaga ng lugar.

Minadali na niya ang paghuhugas sa baso na pinaglagyan ng ininom niyang gatas nang maubos na niya ang laman niyon. Baka kasi makita pa 'yon ni Zac.

She hummed the song 'senorita' while she scrubs the glass with a soft sponge. Then suddenly a strong set of arms caged her in a warm hug from behind. Then a warm kiss touched her nape. Those are just some of the sweet gestures that Zac never fails to do everyday ever since they've been back together again.

Zac purred like a cat against her neck as he sniffs her. "Baby, 'wag na kaya tayong lumabas." Nasa hotel room nila sila ngayon. Nakasuot siya ng isang kulay pulang crossed-strap bikini na pinatungan niya ng kulay puting manipis na tela.

Aalis na sana sila sa hotel room at pupunta ng beach pero naalala niyang 'di pa pala niya naiinom ang gatas niya. Kaya inutusan niya si Zac na maligo muna kahit kakaligo lang nito no'ng umaga. Kinulit pa siya nito, bakit nga ba kailangan pa nitong maligo kung maliligo rin naman sila sa dagat? Wala na kasi siyang maisip na palusot kaya pinilit na lang niya itong maligo. Ginamit niya kasi ang pagkakataong 'yon para magtimpla ng gatas.

"Ayoko nga mag-stay dito. Baka kung ano pa ang gawin mo sakin." Aniya. Nakapatong na ang baba ni Zac sa balikat niya.

His manly chuckle filled her ears.

"Wala akong gagawin, promise."

Nilabas niya ang dila dito. "Bleh. Ayaw!" Humarap siya dito at agad na dumapo ang tingin niya sa kabuoan ng nobyo. Gusto niyang sumpain ang kanyang mga mata.

Hindi niya kasi mai-alis ang tingin niya sa hubad baro na katawan ni Zac.

His ripped abs, firm v-line, hard chest and broad shoulders can make any woman drool. Plus the fact that this guy is drop dead gorgeous, she surely is very lucky to have him as her boyfriend.

Her eyes travelled down on his trunks, she unconciously bit her lower lip when her eyes landed on his bulge.

"Hey, baby. Eyes up here." Sa sinabi ng binata ay napaangat ang tingin niya sa mukha nito.

Isang nakakalokong ngisi ang sumisilay sa mga labi nito. "Wag na lang tayo umalis?"

"Heh! Ayoko!" Nag iinit ang pisngi niya tinarayan niya ito para takpan ang pagkapahiya. Matapos ay naglakad na siya palabas, naramdaman naman niya na agad sumunod ang binata kapagkuwan ay pinagsiklop nito ang mga kamay nila.

Lover Series: Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon