WARNING- SPG
BINUHAT ni Zac si Alex at agad na dinala sa kwarto nito. Napansin niya kasi na biglang bumilis ang paghinga at tumaas ang temperatura nito. Pagbukas niya sa pinto ng kwarto ng dalaga ay nanibago siya sa tumambad sa kanya. Nakapunta na kasi siya sa kwarto ng dalaga noon. At masasabi niyang malaki ang naging pagbabago niyon ngayon.
Wide mirror on the ceiling. Pink furry carpet on the whole floor of the room. New furnitures. Queen size bed and a wide flat screen tv.
Maingat niyang inihiga ang dalaga sa malapad na kama saka iniwan ito saglit para kumuha ng towel at plangganita na may malamig na tubig. Pinunasan niya ang katawan ng dalaga hanggang sa maging komportable ito. Kapagkuwan ay pina-inom niya ito ng gamot.
Good thing that he always have medicines in his wallet. Bibili na lang ulit siya pag nilagnat pa ito.
Buong araw niyang inalagaan si Alex. Sinusubuan at maya't mayang pinupunasan. Hindi siya napapagod sa pag-aalaga dito. Makita lang niya ang maamong mukha nito ay nawawala na agad ang pagod niya. How is that even possible?
Para sa kanya ay isang karangalan na hinayaan siya ni Alex na asikasuhin niya ito. Matagal na niyang hinihiling sa diyos na mag-krus muli ang landas nila ng dalaga. Yung kahit magkita lang ulit sila ay ayos na. Pero sobra-sobra pa sa hiling niya ang nagkatotoo. He slept with her. He felt her in his arms. He experienced the best night of his life with her.
Oo, nakuha na niya ang iniingatang pagkababae nito. Pero hindi lang iyon ang habol niya. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na sex lang ang habol sa babae.
He wants more. He wants to officially own her. He craves for her love again.
And this time, he will not stop anymore. Hindi na niya muling iiwan si Alex kahit na sino pa ang pumigil sa kanya. Walang siyang pakialam sa mga taong tututol.
Kahit pa mismong ama niya.
ITS been three days. And Zac is still in her house. Tulad nang mga nakaraang araw, pinaliguan, pinakain at nilalambing pa rin siya nito. Inalagaan din siya nito noong lagnatin siya dahil sa laceration. Kasalanan naman 'yon ni Zac kaya buti nga sa kanya.
Nagpa-check up na rin siya sa Ob-Gyne kahapon, sabi ng doctor niya magiging okay din ang pakiramdam niya basta't walang intercourse na magaganap hangga't masakit pa. Ni-resetahan lang siya ng pain reliever at pinayuhang magpahinga.
Fortunately, she can walk now. Medyo masakit pa rin pero kaunti na lang.
Mabuti na rin iyon para makapag-trabaho na siya ulit. Pati na rin si Zac na walang ibang ginawa kundi mangulit sa kanya buong araw.
"Kaya ko na, Zac. Pwede ka nang magtrabaho." Aniya. Kasalukuyan silang nasa kwarto niya. Nanonood silang dalawa ng movie sa Netflix. At kanina pa niya kinukulit ang binata na pumasok na ito sa trabaho. She doesn't want to be a burden. Pero ang damuho hindi nagpapatinag. Panay yakap nito sa bewang niya na para bang tatakas siya at iiwan niya ito. Nagiiyak-iyakan din ang binata na parang timang lang.
"Ayoko. Dito lang ako." Nakangusong pagmamatigas nito.
Sandali siyang nag-isip ng paraan para mapapayag ito. May naisip na siya kanina pero kinakabahan siya sa magiging resulta.
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Ganito na lang.." tumingin ito sa kanya. Hinihintay ang sasabihin niya. "Gagawin ko lahat ng gusto mo, basta papasok ka sa trabaho bukas."
"Lahat ng gusto ko?" Unti-unting sumilay ang pilyong ngiti nito sa mga labi. Heto na nga ang kinakatakot niya sa kanyang ideya eh.
"Oo lahat. Basta kaya ko." Ani Alex. Sana naman ay matinong bagay ang ipagawa nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Lover Series: Ex [COMPLETED]
Fiksi UmumAlex X Zac |Matured Content Please wag po ireport.
![Lover Series: Ex [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/163834857-64-k709912.jpg)