"FVCK!" Zac shouted in his car out of frustration, "Fvck!" Balisang balisa na siya, hindi na niya alam kung ano 'tong ginagawa niya. Inis na iniuntog niya ang sariling ulo sa manubela ng kanyang kotse na kinalulunan niya ngayon.
Kahapon pa siya nakabalik sa Maynila, dumiretso agad siya sa penthouse nila pero wala siyang Alex na naabutan doon. Sabi ng mga staff sa hotel, noong nakaraang araw ay sinugod si Alex sa ospital. Nawalan daw ito ng malay kaya agad na dinala ito ng isang lalaki sa pinakamalapit na Ospital, hanggan ngayon ay 'di pa rin ito bumabalik.
Wala na sa isip niya ang pagseselos o pagkainis sa kung sino man ang lalaki tumulong dito. Puro pag-alala ang tumatakbo sa isip niya. Nag-aalala siya sa kalagayan ni Alex, bakit ito nawalan ng malay? Ano bang nangyari?
Pinuntahan niya ang ospital na pinagdalhan kay Alex pero sabi ng mga nurse ay umalis din agad ang dalaga nang magising ito, kasama ng isa pang babae. Malamang ay ang kaibigan nitong si Yuki iyon.
Sunod niyang hinanap ang dalaga sa bahay nito at tulad ng nauna ay wala rin siyang napala.
Now, he's in his car, again. He was supposed to go to Black Paper's main branch. But he's still stuck in this fvcking traffic!
Kung may tao man na nakakaalam kung nasaan si Alex, 'yon ay walang iba kundi si Yuki.
Wala siyang kain at wala rin siyang tulog. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may nakadagan sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay may nagawa siyang mali kaya umalis si Alex.
Fvck!
Kaya nga siya kating-kati na makita ito at makausap, pakiramdam niya ay kailangan niyang magpaliwanag dito. Pakiramdam niya ay may nagawa siyang ikakagalit nito. Ayaw na niyang mawalay pa kay Alex. Ayaw na niyang mawala ito sa kanya.
She already invaded his heart, no, not just his heart. 'Cause she already got his whole existence in her palm.
Ngayon pa ba? Kung kailan handang handa na siya at kaya na niya ang sarili niya.
Agad niyang pinausad ang sasakyan nang lumuwag ang daan. Binilisan niya ang takbo ng kanyang kotse.
He can't lose her again. No... not this time.
Nang makarating sa destinasyon ay agad niyang pinarada ang sasakyan sa parking lot ng restaurant.
Pagpasok niya sa Black Paper ay sinalubong siya ng isang waitress.
"Good morning, Sir. Do you have a reservation?" Anito.
Umiling siya. "Nandito ba yung manager niyo? I need to talk to her." Pormal niyang sabi.
"Yes, Sir. Nandito po siya."
"Do you have a vacant table for walk in customer? Gusto ko kasi makausap siya nang masinsinan." Malakas ang pakiramdam niya na sinasadyang lumayo ni Alex sa kanya, kaya siguradong ililihim din ng kaibigan nito ang kinaroroonan ng dalaga.
Ipapaliwanag niya kay Yuki ang lahat. Magmamakaawa siya para lang mahanap ang babaeng mahal niya.
Sumimangot ang waitress. "Sorry, Sir. Reserved na po lahat ng table. May wedding reception po kasi sa buong second floor at fully booked na ang ibang table."
Sasagot pa sana siya pero naunahan siya ng babaeng nasa likod niya. Umaalisangsang ang matapang na amoy ng pambabaeng pabango nito sa paligid.
"I have a reservation here, Honey. We can share." Nang aakit ang tono ng boses nito. Pero imbis na maakit ay nalukot ang mukha niya nang marinig ang nakakairitang boses na iyon.
Hindi niya sana papansinin ang babae kung hindi lang nito niyapos ang braso niya.
"Hey, Honey. Galing ako sa penthouse natin. I've met your girlfriend." May pagmamalaki pa na sabi nito. Parang bulkan na biglang sumabog si Zac at marahas na hinila si Monica palabas ng restaurant.
![](https://img.wattpad.com/cover/163834857-288-k709912.jpg)
BINABASA MO ANG
Lover Series: Ex [COMPLETED]
General FictionAlex X Zac |Matured Content Please wag po ireport.