CHAPTER 7

10.1K 195 2
                                    

NAGKASUNDO sila ni Yuki na mag-movie marathon ngayong araw. Day off kasi nito ngayon. Plinano naman niyang 'wag muna pumasok para makasama ang kaibigan.

Ako muna ang maga-adjust.

Alas onse na pero wala pa rin ang lokaret. Nakapaglinis ng bahay, nakapagluto na siya ng paborito nitong sinigang na baboy at naihanda na rin niya ang mga CD na balak nilang panoorin ni Yuki. Puro porn movies at romance ang napagdesisyunan nilang panoorin. Lagi naman eh.

Bad influence kasi 'yon eh!

Maya maya pa ay may nagbukas na ng pinto ng kaniyang bahay. Dire-diretsong pumasok si Yuki kapagkuwan ay pasalampak na naupo sa mahabang sofa na nasa sala.

Wow. Feel at home ang gaga! Bahay mo? Bahay mo?

"Grabe! Nakakapagod bumiyahe! Ang init pa!" Pagrereklamo nito.

"Late ka na nga eh. Ang usapan alas diyes, aba! Maga-alas dose na bakla. Tara na nga, kain na muna tayo." Nauna na siya sa kusina at agad na sumunod naman ito sa kaniya.

Pinagtulungan nilang inihain ang mga pagkaing niluto niya. Nang maihanda na ang lahat ay walang salitang lumabas sa mga bibig nila, agad nilang nilantakan ang pagkain. Talo-talo muna tayo.

Mabilis nilang inubos ang tanghalian. Natatawa pa siya minsan pag napapa-ungol sa sarap ng sinigang si Yuki. Sarap na sarap talaga ito sa luto niya. Wala nga itong pakialam kahit na anong putahe man iyon, basta luto niya ang nakahain ay kakainin iyon ng kaibigan.

Excited na silang dalawa. Ang tagal na nilang plinano ito. Ngayon nga lang natuloy dahil pareho silang laging busy ni Yuki.

Bago pa man siya makatayo para ligpitin ang pinagkainan ay napansin niyang may kinuha si Yuki sa bag nito nang matapos ay inilabas niya iyon habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.

Muli siyang naupo.

May kalokohan na naman siguro itong naisip. Aniya sa isip.

Isa iyong maliit na pahabang kahon.

"Tada! Gift ko sayo." Inabot nito sa kaniya ang kahon.

"Ano 'to?" Hindi sumagot si Yuki kaya kusa na lamang niyang binuksan ang kahon. Nagtaka siya bigla. Wala namang okasyon, 'di naman niya birthday. Anong meron?

"What is this?" Puno ng pagtataka niyang tanong habang pinagmamasdan ang pahabang bagay na hawak niya. Inilabas niya iyon mula sa kahon kapagkuwan ay iniangat upang makita ng maigi.

"Ay, translation? Tinagalog na nga yung tanong in-english pa." Tuwang tuwa na sambit ni Yuki.

Muli niyang pinagmasdan ang hawak. Nababalot pa iyon ng transparent na plastic at bubble wrapper. Kulay pink. May pindutan din. Kung hahawakan ay sakto lamang iyon sa palad niya. Pero ang mas nakakuha ng atensyon niya ay ang hugis nito.

Shett. 'Di niya alam kung mahalay ang utak niya o sadyang kahugis talaga nito ang 'bagay' na iyon.

"Ano nga 'to?"

"A vibrator." Parang wala lang kay Yuki ang sinagot nito sa kaniya. Agad naman nanlaki ang mga mata niya at pinamulahan siya ng mukha.

"V-vibrator? Why would you give me a vibrator?"

"Sa online store ko 'yan nabili. Last week ko pa in-order. Kakadating lang kahapon. Pinagalitan pa nga ako ng kapatid ko kasi siya yung naabutan ng delivery rider sa bahay. Pinagkamalan daw siyang tigang ni kuyang delivery rider. Anyway, sale kasi 'to tapos buy one take one pa kaya binili ko na."

"A-ayoko." Sinubukan niyang ibalik iyon kay Yuki pero tinulak lang nito iyon pabalik sa kaniya.

"Come on. It's just a toy. Magtatampo ako pag tinapon o ibinalik mo 'yan sakin. Alam mo bang ikaw ang unang tao na naisip ko bago in-order 'yan? Kaya sige na... please." Nag puppy eyes pa ang gaga.

Lover Series: Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon