CHAPTER 14 (R+18)

11K 186 2
                                    

WARNING: SPG

NAPAHAWAK na lang si Alex sa kanyang noo nang marinig na nagri-ring na naman ang kanyang cellphone. Tinatamad na kinuha niya iyon sa gilid ng kanyang office table.

Agad na sinagot niya iyon. Hindi na niya kailangan pang basahin ang pangalan ng tumatawag dahil alam na niya kung sino ang damuhong umiistorbo sa kanya kanina pa.

"Please---"

"Baby, punta ako dyan? Sige na, please. Magbi-behave ako dyan sa office mo, promise." Napabuntong-hininga lang siya sa sunod-sunod na salitang binigkas ng binata.

"Zac, this is the ninth time already. Stop calling! Mag-focus ka muna dyan sa trabaho mo. Marami pa akong gagawin at--"

"Tutulungan na lang kita dyan! Boring naman dito sa opisina eh. I want to be with you." Pagmamakaawa nito. Dinaig pa ata ang batang iniwan ng nanay sa eskwelahan, kulang na lang ay umiyak at magmaktol ito.

"Pwede ba, Zac. Kumilos ka ng naaayon sa edad mo. Para kang bata eh!"

"No. Hindi kita titigilan hangga't---"

"That's it. I'm blocking you."

"Wait! Baby, no! I'm sor--"

Hindi na niya pinatapos ang sasabihin ng binata. Pinatayan na niya ito ng tawag saka agad na blinock ang number ng loko.

Maraming natambak na trabaho dahil sa ilang araw niyang pahinga. Kailangan na niyang tapusin iyon lahat, lalo na't malapit nang simulan ang pagre-renovate sa mahigit limampung branch ng Olympus. Hinihingi na rin ng sekretarya ni Zac ang design ng restaurant.

Ang lalaking 'yon talaga, parang walang alam sa nangyayari sa kompanya niya, 'di ba nito alam na malaking sugal ito sa kompanya nila?

Napabuntong hininga na lang siya.

Pagkatapos niyang gawin ang trabahong naiwan niya, uuwi na naman siya sa bahay mag-isa. Pero sa pagkakataong ito ay may sasalubong na sa kanya roon.

Zac will be there.

Tama ba ang naging desisyon niya? Tama bang tanggapin niyang muli ang binatang sumira sa mga pangarap niya noon? Tama ba na hinayaan niya muli itong makapasok sa buhay niya?

She's scared.

She's afraid to lose control. Afraid to fall for the same person who broke her heart before. Lalo pa ngayon na puro panlalambing at ka-sweetan ang ipinapakita nito.

Biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Ang humahangos na si Jason ang sumilip mula roon.

Napakunot-noo siya at napatayo dahil sa itsura ng sekretaryo. Ano kayang meron?

"Jason?"

"Miss boss, s-si Mr. Miller! G-galit sakin." Pautal-utal na sumbong nito habang may pilit na ngiti sa mga labi.

Galit marahil ang binata dito dahil 'Jason' ang ginamit niyang pangalan sa kanyang 'boyfriend' kuno. May pagka-seloso talaga si Zac kahit noon pa. Hanggang ngayon pala ay seloso pa rin ito. Nakakaawa naman ang secretary niya, walang kaalam-alam na ginamit na ang pangalan nito sa walang katuturang bagay.

Napabuntong hininga ulit siya.

"Papasukin mo." Utos niya na agad naman sinunod ni Jason. Nilawakan nito ang pagkakabukas ng pinto saka binigyang daan si Zac na matalim pa rin ang tingin kay Jason.

Nakayuko lang ang secretary niya. Makatitig naman kasi itong si Zac, parang bully na mambubugbog.

Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito. Agad na naging malambot ang ekspresyon ng mukha nito ng makita siya.

Lover Series: Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon