MASAYANG naglilinis si Alex sa penthouse ni Zac. Kakaalis lang ni Yuki, nanood lang sila ng porn movie saglit tapos natulog na. Nasira na ang 'tradisyon' nila.
Hindi rin nakain ni Yuki ang niluto niyang sinigang na baboy, dahil nung naamoy pa lang nito ang luto niya ay nagsuka na ang gaga. Hindi rin nila nagalaw ang sampong lata ng beer na binili ni Yuki, hindi rin nila naubos ang mga snacks.
Simula nung nakita nila yung 'results' nasira na ang tradisyon nila.
Inutusan niya kasi si Yuki na bumili ng Pregnancy Test. Tag-isa sila, and guess what? Positive sila pareho ng Gaga. Kaya nga hindi na sila nag puyat ni Yuki dahil makaka-sama iyon sa kanila at sa mga dinadala nila.
Nonetheless, she's very happy right now. She'll promise to take good care of this little ball of sunshine inside her tummy. She'll be extra careful and cautious in everything. She'll visit her doctor regularly. In short, she'll prioritize her baby.
Napalingon siya sa pinto ng marinig niyang bumukas iyon. Zac? Ang bilis naman ata niya umuwi, dapat sa susunod na linggo pa ito babalik.
Mabilis ang lakad na pumunta siya sa sala para salubungin ng ngiti ang bagong dating.
Pero nawala ang ngiti niya nang makitang hindi si Zac ang dumating.
Its a beautiful sophisticated woman, wearing a very sexy revealing dress. Her lips are red because of her nude lipstick. Her brows are on flick. Her eyes are beaming at her as if the woman is studying every detail of her being.
Tumaas ang kilay niya nang titigan nito ang dibdib niya. Tomboy ba 'to? Bisexual? Oo malaki ang dibdib niya pero hindi naman ata tama na titigan ito nang parang nandidiri ito sa kanya.
"Where's Zac?" Maarteng tanong nito habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Alex felt sorry for this girl, she's just wearing a Spagetti strap shirt and cotton shorts but she looks way hotter than this bitch.
"Wala po ang boyfriend ko dito, ate." Pang iinsulto niya dito. Nakakalokong ngumiti ang babae. Hindi niya alam kung bakit pero kinabahan siya bigla sa pag ngisi nito.
"Saan siya nagpunta?" Tanong pa nito.
"Ano bang kailangan mo miss? Bakit pasok ka ng pasok ng walang paalam? May doorbell sa labas ng pinto baka 'di mo nakita." Imbis na sagutin ito ay tuloy tuloy na pagtatanong ang lumabas sa bibig niya.
Ngumiti naman ang babae. "Sorry ha, Ms. Girlfriend. Pumasok agad ako sa bahay namin dahil hinahanap ko ang asawa ko."
Hindi siya agad nakapag salita sa narinig. 'Bahay namin'? 'Asawa ko'?
Nakakunot noo siya. "Asawa?" Baka mali lang siya ng rinig. This can't be.
Nangaasar na tumawa ang babae. Tumitibok nang mabilis ang puso niya kasabay ng panlalamig ng kanyang mga palad dahil sa kaba at takot na baka tama nga ang narinig niya.
"Oh. I guess you didn't know yet. Well, news flash, sweet heart. Zac has a wife and that wife is me!" Ilang segundo siyang natulala, dahan-dahang nag-sink in sa kanya ang sinabi ng babae. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig na siyang gumising sa kanya mula sa panaginip. Pilit niyang pinigilan ang sarili na umiyak. Ayaw niyang bumigay sa harap ng ibang tao, lalo na sa harap ng asawa ni Zac.
"Shhh. Don't worry. Hindi kita kakasuhan. I'm used to it. I'm used to encounter bitches of my husband. I'm just surprised cause its the first time that Zac actually took one home."
Hindi na siya makapagsalita pa. Hindi na rin siya makatingin sa babaeng kaharap niya. Gusto na lang niya na lamunin siya ng sahig para makatakas sa nakakasuyang tingin nito.
BINABASA MO ANG
Lover Series: Ex [COMPLETED]
General FictionAlex X Zac |Matured Content Please wag po ireport.