CHAPTER 3

11.4K 231 7
                                    

MADILIM ang buong lugar at tanging mga nagsasayawang ilaw lamang ang nagsisilbing liwanag.

Loud sexy music added with moans and groans of flirting people filled the whole place. The scent of different liquor spread through the air along with different brands of cigarettes. He can hardly breath.

What a perfect place... for him.

"Hey sucker, what are you doing here?" tanong sa kanya ni Raver nang makita siya nito na nakaupo sa island counter ng bar.

Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglagok ng Whiskey mula sa mismong bote. Ramdam niya ang pag guhit ng init sa lalamunan niya, 'di niya ininda 'yon at nagpatuloy lang sa pag-inom.

Umupo si Raver sa katabi niyang stool. "seriously man, why are you here?" tanong ulit nito sa kanya.

Lumipat ang tingin niya mula sa bote papunta sa kaibigan. "Bar 'to, Raver. Obviously, I came here to drink. Ang gago naman ng tanong mo, pre." sagot niya sabay lagok ulit ng alak.

Fuck. Wala siyang pinagsabihan na pupunta siya sa bar pero natunton pa rin siya ng kaibigan.

"I know that, shithead. Pero hindi ikaw yung tipo ng tao na pupunta dito para magpakalasing ng walang ibang dahilan. May problema ka 'no? Sa kompanya o sa babae?" Nakakalokong nginitian siya nito. Tila umugong sa isip niya ang huling salitang sinambit nito. Babae.

Mariin niyang ipinikit ang mata nang biglang lumabas sa isip niya ang imahe ng isang babae.

Mala-anghel itong nakangiti sa kanya, masayang pinaplano ang bawat pangarap na gusto nilang maabot habang hawak nito ang kanyang kamay.

Film strips of memories rolled in his mind, it's like he's watching a romantic movie. But it was suddenly cut by a whistle. Raver's whistle.

"Babae, tsk. Zac, may problema ba kayo ni Monica?" tanong sa kanya ni Keen, 'di niya napansin na dumating ito.

"No. We're good." sagot niya.

"Hmm.. So hindi si Monica. Eh sino?" tanong ni Raver bago nag-order ng rum sa bartender. Napabuntong-hininga siya. Hindi talaga mapipigilan ang pagiging chismoso nitong mga kaibigan niya.

Nagtatakang nakatingin lang sa kanya ang dalawa. Napapagitnaan siya ng mga ito at mukhang walang balak na patakasin siya.

"My ex.." nilagok niya ulit ang alak sa bote para malunok ang bara sa kanyang lalamunan. Bakit ba pag tinatawag niyang 'ex' ang babaeng 'yon ay parang sinusuntok ang puso niya?

"Ex.. Girlfriend o Fuck buddy? Kasi kung ex-girlfriend, isa lang naman 'yon. Pero yung mga naging Fubu mo.. They're too many to mention." tanong ni Raver na binuntutan ng halakhak.

"Ex girlfriend." kalmadong aniya.

"Oh? Si Alex, yung naging girlfriend mo nung high school? Nagkita kayo?" tanong ni Raver.

"Alex? As in Alexis Mendiola?" napalingon siya kay Keen nang banggitin nito ang buong pangalan ng babaeng gumugulo sa isip niya.

"You know her?" alam niyang kilala ni Raver si Alex dahil magka-schoolmate sila noong high school pero si Keen noong college niya lang nakilala.

Bumakas ang pagtataka sa kanyang mukha. Paanong kilala ni Keen ang dalaga eh, hindi naman niya ito naikukwento sa mga kaibigan niya.

"I know her. In fact, niligawan ko siya dati." tumiim ang bagang niya sa narinig. Handa niya na itong sugurin pero natigilan siya nang umangat ang mga kamay nito, tanda ng pagsuko.

"Easy, man. 'Di niya ako sinagot. She rejected me.. In front of my parents" 'di makapaniwalang tinitigan niya ito.

"Really? That hurts!" Sabad ni Raver saka tumawa. Hindi niya napigilan, natawa na rin siya.

Lover Series: Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon