CHAPTER 1

15.2K 262 6
                                    

Eight years later..

PINULOT ni Alex ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng bedside table niya. Pinindot-pindot niya iyon para mai-dial ang number ng kanyang secretary.

It's been three days since she decided to visit her parents in Hongkong, nandito siya ngayon para kamustahin ang lagay ng mga ito. Namiss niya na din kasi ang mga magulang niya. Isang taon na kasi ang nakalipas nang huling binisita niya ang mga ito.

"Jason, any update about our branches in Bulacan? Na-check mo na ba lahat?" bungad na tanong niya sa empleyado nang sagutin nito ang tawag. Pinapunta niya kasi ito sa Bulacan, inutusan niya itong obserbahan ang mga branch ng Black Paper Restaurant na naroon, napapansin kasi niyang bumababa na ang kita ng mga ito.

"Miss boss, humina daw ang kita dahil sa nagdaang bagyo. Baha pa po kasi ang ilang lugar do'n, mas abala ang mga tao ang pagpapaayos ng bahay. Wala nang nage-effort kumain sa restaurant. Well, that's just normal though." Napatango-tango na lang siya na para bang nasa harap niya lang ang kausap habang nakikinig sa mga sinasabi nito.

"Hmmm.. okay. Tell the managers of each branch to temporalily close the restaurants."

"Okay po, Miss boss!" masiglang sagot ng secretary niyang si Jason.

"Okay." Pagkasabi niyon ay ibinaba niya na ang tawag. Natatawang napailing-iling na lang siya sa tinawag nito sa kanya habang inilalagay ang cellphone niya sa maliit niyang shoulder bag.

Miss boss ang tawag nito sa kanya dahil masyado pa daw siyang bata para tawaging Ma'am. Parang parehas lang naman. Natutuwa siya sa secretary niyang 'yon dahil hindi ito nagbago. Halos dalawang taon na kasi itong nagtatrabaho sa kanya at nananatiling masipag at masigla ito.

Nakapagbihis na siya at nakapag-ayos na rin ng mga gamit na dadalhin niya pauwi sa Pilipinas. Lumabas na siya ng kwarto saka bumaba ng hagdan, nadatnan niya ang mga magulang niya sa sala na tila inaabangan siyang lumabas ng kwarto.

"Mama, Papa, uhmm.." tumikhim siya para pigilan ang pag iyak. "Aalis na po ako. Mamimiss ko po kayo." Ani Alex na may pilit na ngiti sa mga labi. Kapag kasi nakita siya ng mga ito na malungkot ay siguradong mahihirapan naman siyang umuwi dahil kukulitin na naman siya ng mga ito na manatili. Siguradong mamimiss na naman nya ang panglalambing ng mga magulang niya pag nakauwi na siya sa Pinas.

"Alex, dito ka na lang kasi samin." Anang ina niya na may bahid ng lungkot ang tono ng pagsasalita.

"Oo nga, anak. Mas mapapanatag kami kung dito ka na titira... o kaya naman mag asawa ka na, pag may asawa ka na mapapalagay na ang loob namin ng mama mo dahil alam namin na may mag aalaga na sa unica hija namin." Anang ama ni Alex. May paglalambing sa boses nito. Ganon pa man ay di niya napigilang kilabutan sa huling tinuran nito.

Asawa? No. Ayoko. Tapos na siyang mangarap na magiging happily wedded wife pa siya, hindi na siya umaasa na makakapagasawa pa, lalong lalo na ang magka-anak at magka-pamilya. Masaya na siya sa kung anong meron siya ngayon.

Mamamatay akong single!

"Ma, Pa, bibisita ulit ako promise." 'Yon na lang ang lumabas sa bibig niya imbis na sabihin ang saloobin. Mag aaway lang sila ng mga magulang niya pag sinabi niya sa mga ito na ayaw niyang tumira sa Hongkong at ayaw nya rin mag-asawa.

Kuntento na siya sa kung anong meron siya ngayon. Ang Black Paper Restaurant niya na lumalago na sa Pilipinas at nagsisimula nang gumawa ng pangalan sa industriya. The fruit of her hard work and sacrifices. Mas deserving sa oras at effort ang negosyo niya kaysa sa paghahanap ng lovelife.

Niyakap ni Alex ang mga magulang niya bago lumabas ng bahay bitbit ang napakabigat niyang maleta. Nang makasakay na siya sa taxi na magdadala sa kanya sa Airport, inisa-isa niya sa isip ang mga dapat niyang gawin pagbalik na pagbalik niya. She have to go back, baka mapabayaan ang mga restaurant niya. Napatingin siya sa pambisig niyang orasan.

Lover Series: Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon