MAAGANG nagising si Alex, naligo at kumain muna siya bago nagtungo sa kanyang opisina. Tinignan niya lang ang lagay ng negosyo niya, nang matapos ay umalis na rin agad siya.
Magtatrabaho sana siya kaso nawalan siya ng gana, wala kasi ang sekretaryo niyang makulit.
Jason is her distraction from boredom, hindi ito nauubusan ng joke. Hindi kasi maitatago ang natural na ang pagiging kengkoy ng sekretaryo minsan nga kahit hindi nito sinasadya ay napapahalakhak siya sa mga nakakatawang banat nito.
Argh! Bakit ba kasi naisipan pa nitong mag-leave? Nawalan tuloy siya ng clown.
She need some sort of entertainment. That's why instead of enduring the silence in her office, she might as well go somewhere crowded.
Now, she's here at the main branch of Black Paper Restaurant. Nandito kasi ang best friend niyang si Yuki, kung saan nagtatrabaho ito sa kanya bilang isang manager.
Malaki ang tiwala niya dito kaya nga kahit hindi nakatapos ng college si Yuki ay tinanggap niya pa rin ito. Nakaabot naman ito ng third year college sa kursong Business management kaya may alam ito sa pamamahala ng restaurant. Hindi nagtagal ay nakapagtapos na rin ito, nagsikap din kasi ang lokaret, sabi nito sa kanya kung hindi daw dahil sa trabahong binigay niya, hindi raw ito makakapagtapos at baka tuluyan nang mawalan ng pag-asa na makaka-ahon pa sa buhay.
Wala sa sariling napangiti siya, habang pinagmamasdan ang mga magkasintahan na masayang kumakain sa restaurant niya. She always enjoy these kind of sceneries. Couples, enjoying their food, admiring the place and cherishing every second of their time together.
Red ceiling and dark walls paired with gold dim lights. Round tables covered with bloody red cloth. Mga kulay gintong kubyertos na napapagitnaan ng isang tangkay na rosas na nakalagay sa napakagandang vase. Kumikinang na mga chandelier na dumadagdag sa pagka-romantiko ng lugar.
Classic and romantic. That's her dream come true. That's her restaurant
It did'nt go easy though.
Napakarami munang napagdaanan na hirap ni Alexis. Marami siyang pagod at sakripisyong ibinuhos para lang maabot ang pangarap niya. Dugo at pawis ang inialay, puyat at gutom ang pinag-tiisan. Lahat ng iyon ay para sa kanyang pamilya at para sa sarili niya.
Masagana naman ang buhay nila noon pero nang mag-asawa ang kuya Alexander niya ay nagsimula na silang maghirap.
Sakitin kasi ang naging sister-in-law niya na si Joyce at ang anak naman nitong si Aj ay pinanganak na may butas sa puso.
Buong pamilya ang nagsisikap, maipagamot lang ang dalawa.
Naaawa na nga siya sa pamangkin niya eh. Sa murang edad ay pinapahirapan na ng sakit nito.
Hindi nakaranas makipaglaro at makipagsalamuha sa ibang bata. Hindi rin pinapahintulutan kumain ng mga candy at chocolates..
Kaya nga noong disi-otso anyos na siya, napagkasunduan ng mga magulang niya na sumunod sa mga kuya niya sa Hongkong para doon magtrabaho at para doon na rin ipagamot ang pamangkin niya.
Pinilit siya ng mga ito na sumama pero hindi siya pumayag. Bukod kasi sa ayaw niyang lisanin ang Pilipinas, ayaw rin niyang iwanan ang noo'y nobyo na si Zac.
BINABASA MO ANG
Lover Series: Ex [COMPLETED]
General FictionAlex X Zac |Matured Content Please wag po ireport.