CHAPTER 5

11.6K 237 6
                                    

"HOW'S your plan in Olympus? I thought you're having a coĺlaboration with Black Paper? Bakit 'di mo pa rin inaasikaso?" Tanong ng ama niya.  Dominante ang boses nito, ma-awtoridad. Kahit may american-accent ay matapang pa rin ang dating nito pag nagsasalita.

Sinugod siya sa opisina ng kanyang ama para lang kamustahin ang binabalak niyang collaboration. Pinilit niya ang ama niya na palitan ang restaurant na nasa mga branch ng hotel nila. Mas nagustuhan niya ang ambiance at pagkain ng Black Paper.

At ang tanga niya para kalimutan ang planong siya mismo ang gumawa.

"Dad, nakalimutan ko eh." Napakamot siya sa kanyang ulo. Pagdating talaga sa ama ay biglang tumitiklop ang pagiging matapang niya. Kontroladong kontrolado siya nito. Para siyang bata na papaluin sa puwet pag sinuway niya ito.

"You forgot? Hell! Ang tagal na no'n ah? Asikasuhin mo na yon! Ngayon din!" Galit na galit ang tono ng boses nito. Parang Limang araw pa lang ang nakakalipas pero para sa ama niya ay matagal na iyon.

Time is money ika nga nito kaya nga ganito na lamang magpuyos sa galit ang ama dahil habang nagsasayang siya ng oras ay nagsasayang din siya ng pera.

Sino ba namang hindi magagalit, 'di ba? Pinagkatiwala sa kanya ang kompanya pero puro gimik at babae lang ang inaatupag niya. He's guilty and he won't deny it.

"I'm being busy, dad." Aniya. Hindi niya ito matignan ng diretso sa mata.

"Busy? Saan? sa pambabae?" Biglang dugtong ng ama niya. Well, totoo naman iyon. Buong gabi silang nagtalik ni Diana. Parang bitin pa nga ang dalaga kahit inabot na sila ng umaga.

"I have the owner's number. I'll just call--"

"No! Puntahan mo sya. Don't waste more time. Losing time also means losing money. Be responsible Zacarius! You're not getting any younger. And speaking of time, kailan mo ako bibigyan ng apo?--" Napabuntong-hininga na lang siya. See? He's controlling him again.

Oo nga pala. Gusto na nga pala nito ng bagong tagapagmana mula sa kanya. Sawa na marahil ang ama niya sa kasesermon sa kanya kaya gusto na nito ng apo.

Mag mana sana sakin ang anak ko para matigas din ang ulo at galitin lagi si dad. Aniya sa isip.

"Fine. Pupuntahan ko na sa office nila." He cut him off. He hates it when the topic is about having a child. He's not ready for that kind of shit. Ine-enjoy niya pa ang buhay binata niya.

"Zacarius, naayos mo na ba ang gusot mo kay Monica?"

"Soon."

"Make it fast. I want to have a grandchild already." Tango lang ang sagot niya bago lumabas sa opisina nang hindi nagpapaalam sa ama.

Nang makalabas sa opisina ay agad na hinanap ng mata niya ang kanyang sekretarya.

"Luis, give me the address of the Black paper's office." Agad namang tumalima ang sekretarya.

Tumango ito saka nagtipa sa keyboard ng computer. Maya maya pa ay may inabot itong maliit na papel na naglalaman ng impormasyong kailangan niya.

He took the small piece of paper and put it inside his pocket. Agad siyang sumakay sa elevator nang magbukas iyon.

Let get this over with. Para naman matigil na ang pangungulit ng ama niya.

Nang makapasok sa kotse ay saglit niyang binasa ang address ng lugar na pupuntahan. He smirked when he realized that it's just a few blocks away from his office.

Walang kahirap-hirap.

Minaneho na niya ang sasakyan, ilang minuto lang ang tinagal bago niya narating ang destinasyon. Nang makapasok sa establisyamento ay agad syang sinalubong ng isang lalaki. Maayos ang pananamit nito at sa tantya niya sa dating at itsura ay kaedaran niya lang din ito.

Lover Series: Ex [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon